^

PSN Showbiz

Pulitiko kinalasan ang dyowang nagpo-produce dahil sa pangde-denggoy sa pera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

May nakakuwentuhang source ang aming impormante na nagsabi sa kanya ng mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng isang kilalang female personality at ng karelasyon niyang pulitiko.

?Malinaw ang dahilan. Pera. Talagang nabasyo kuno ang bulsa ng pulitiko dahil sa dami ng raket na alam ng female personality.

?Kuwento ng aming source, “Wala kasing alam sa showbiz ang guy, natural, public service ang linya niya, kaya oo lang siya nang oo kapag may inilalambing sa kanya ang girl!

?“Hindi siya lantarang humihingi ng datung sa boyfriend niya, pero meron siyang mga raket na pinagkakakitaan nang walang kaalam-alam ang partner niya.

?“Kunwari, may isang sikat na grupong pada­ting sa Pilipinas, milyunan ang puhunan du’n ng production. Sasabihin niya sa guy na gusto niyang sumosyo sa foreign group na darating sa Pilipinas.

?“Natural, bigay naman agad ng datung ang guy sa kanyang love. milyunan kung humirit ang babae, ha? Pero heto na. tapos nang mag-perform ang foreign group, wala pa ring perang ibinabalik ang girl sa boyfriend niya!

?“Naiinis daw siya, kasi, hindi pa ibinabalik ng main producer ang halagang isinosyo niya sa concert. Nagagalit na nga raw siya, kailangan na raw niyang ibalik sa BF niya ang ipinampuhunan sa concert, pero wala siyang maibalik!

?“Natural, paniwalang-paniwala naman ang politician na naniningil pa lang ang girl sa ipinampuhunan nila. Okey na nga sa guy kung wala mang bumalik na tubo sa kanya, ang principal amount lang ang hinahanap niya.

?“Heto na uli. Nakakuwentuhan ng politician ang ibang sumosyo sa concert, bayad na silang lahat, pati ang kinita nilang malaki sa matagumpay na concert, e, nakuha na rin nila!

?“E, ang girlfriend niya, bakit hindi pa nakakasingil? Anyare? Kinausap ng politician ang isa niyang kaibigan na friend naman ng main producer ng show. Bayad na pala ang girlfriend niya, matagal nang bayad!

?“Paulit-ulit na nangyari ang ganu’n, kaya naisip ng guy, mukhang pinaiikot na lang siya ng girlfriend niya, ano nga naman ang tingin sa kanya ng girl, may mina ng ginto?

?“Kaya one day, e, kinausap ng politician ang girl, ayoko na, tama na ang relasyong ito na puro lokohan lang ang nangyayari! ‘Yun ang sinabi ng guy sa female personality!

?“Iniwan siya ng guy, wala na siyang nagawa, nabu­king na kasi ng lalaki ang mga kadramahan niya sa pera!” pagtatapos ng umiiling naming source.

?Ubos!

Kumpirmado, Julia at Coco may baby na

Kinumpirma ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang pinagpipistahang isyu tungkol sa panganganak ni Julia Montes sa isang ospital sa San Juan.

?Kumpirmado! Totoo ngang nanganak si Julia Montes, hindi totoong nasa Germany siya kasama ang kanyang pamilya, nandito lang siya sa Pilipinas.

?Sabi ng aming source, “Hindi naman kasi naililihim ang ganu’ng scenario. Maraming involved sa pagpapaanak. Nandu’n ang OB Gyne niya, may magsasaksak sa kanya ng anesthesia, may assistant nurse du’n, may iba pang kasama sa delivery room na nakakakita sa nanganganak.

?“Ipagpalagay nang tahimik lang ang OB niya, kahit ang mga nurses, hindi pa rin maiiwasang lumabas ang kuwento dahil kilala ang nanganak,” sabi ng aming impormante.

?Madaling-araw daw nang dumalaw kay Julia Montes ang ama ng kanyang sanggol na si Coco Martin. Tulog na ang mga pasyente sa ospital pati ang kanilang mga bantay.

?Wala namang masama kung nagbunga na ang matagal na relasyon nina Coco at Julia. Wala silang sinasagasaan, pareho silang libreng magmahal, hindi rin sila nang-aabala ng ibang tao.

?Panahon lang ang kailangan nating hintayin kung kailan babasagin ng magkarelasyon ang kanilang kapribaduhan. Darating din ‘yun. Hindi nila planong idenay ang kanilang anak nang habampanahon.

?A baby is always a blessing.

vuukle comment

JULIA MONTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with