^

PSN Showbiz

Christian naluha sa papuri ni Jericho

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Christian naluha sa papuri ni Jericho

Feeling blessed si Christian Bables na naging bahagi siya ng cast ng top-rating primetime drama Halik ng ABS-CBN na magtatapos na in two weeks.

Naluha pa nga si Christian sa papuring ibinigay sa kanya ni Jericho Rosales, na idol niya. Inamin ni Christian na sobrang natuwa siya when he learned makakatrabaho ni si Echo at ngayong patapos na ang serye, babaunin niya sng experience working with him.

Inamin din ni Christian na noong una ay di siya makaarte opposite Echo. Na-starstruck kasi siya. Pero si Echo na rin mismo ang tumulong at naka-inspire sa kanya na i-level up ang acting niya.

“Hindi ko malilimutan ang experience na ito working with Echo. Kung lumabas man mahusay ang acting ko, it is because tinutulungan niya ako to make it good. Naka-inspire siya katrabaho and I wish na makatrabaho ko siya uli,” pahayag pa ni Christian

Since sinabi ni Echo na ayaw na niya gumawa ng soap opera, mas maganda kung magkakasama silang muli ni Chistian sa isang pelikula .

Thankful din si Christian sa nominasyong natanggap niya sa FAMAS for Signal Rock. Hindi nga lang siya nakadalo sa Nominees’ Night dahil may taping siya ng Halik.

Pero nagpapasalamat siya sa pagkilala ng FAMAS sa kanya at sa Signal Rock.

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with