^

PSN Showbiz

Love Thy... iikot sa Chinese story!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Love Thy... iikot sa Chinese story!

Muling magkakatambal sa isang proyekto sina Kim Chiu at Xian Lim. Kasamang magbibida ng tambalan ng Kim-Xi si Erich Gonzales sa teleseryeng Love Thy Woman ng ABS-CBN.

Matatandaang huling nagkatambal sina Kim at Xian sa The Story Of Us mula sa Star Creatives noong 2016 kaya excited na ang aktres na mag-taping sa susunod na buwan para sa bagong serye. “Oo naman,”  bu­ngad ni Kim.

Noong isang taon pa umano nangangarap ang aktres na makagawa sila ni Xian ng isang bagong serye na tungkol sa isang pamil­yang Chinese. “Noong nag-China kami last December, sinabi namin na ang sarap gumawa ng Chinese na story. Tapos pag-uwi namin dito, mga February, may nag-offer na sa amin. Sabi namin, ‘Uy! Nagkataon,’ Tapos hindi niya sinabi sa akin na nakiki­pag-meeting na pala siya sa Dreamscape,” nakangi­ting kwento ng dalaga.

Nananabik na rin si Xian na muling makagawa ng proyekto sa ABS-CBN. Matatandaang lumipat ang aktor sa pangangalaga ng Viva Artists Agency mahigit isang taon na ang nakalilipas. “I’m very happy to be back and nakakatuwa lang na we’re back in Dreamscape. Parang ang last Dreamscape namin is ‘Ina, Kapatid, Anak’ pa na ang tagal na (2013),” pagbabahagi ni Xian.

Para kay Xian ay kailangang pakaabangan ng mga tagahanga ng Kim-Xi ang kanilang bagong proyekto dahil matagal-tagal na rin nila itong hinihintay na mangyari. “This is something for them and something we’ve been waiting for,” pagtatapos ng aktor.

Arjo pinapapanood ang Bagman sa mga botante

Espesyal sa puso ni Arjo Atayde ang digital series na Bagman na kanyang pinagbibidahan. Mapapanood nang libre sa iwant.ph ang makabuluhang proyektong ito ng aktor. 

“It shows reality. It’s an eye opener because you might just be blaming people in position but honestly, corruption and all other things all starts from us before going to them. It’s an eye opener to a lot of people for them to realize where do all these unnecessary or bad illegal stuff. Kung paano nagiging korap in different ways. How people can be corrupted in different industries,” pagdedetalye ni Arjo.

Kahit sensitibo ang tema ay hindi naman daw nagdalawang-isip ang aktor na tanggapin ito. “I didn’t have any second thoughts at all. Maganda kasi ‘yung pagkakasulat eh. I was basing on the script. It requires a lot of research, a lot of nuances. Basta sobrang hirap niyang gawin. I really had a hard time doing it. But I super enjoyed it,” giit ng binata.

Ayon pa kay Arjo ay napapanahon ang Bagman lalo pa’t nalalapit na ang eleksyon. Importanteng mapanood daw ito ng mga botante upang makapag-isip nang mabuti kung sino ang karapat-dapat na ibotong mga kandidato. “Definitely for people who are about to vote. For you to see first what’s happening in the Philippines and make sure that the person you’re voting for is worth voting,” paglalahad ni Arjo

Sa ngayon ay mayroon ng labingdalawang episodes ang Bagman. (Reports from JCC)

vuukle comment

LOVE THY WOMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with