Babaeng showbiz personality kinukunsulta sa feng shui pati pakikipag-sex
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - April 6, 2019 - 12:00am

Naghahalakhakan nu’ng isang gabi ang isang malaking grupo ng mga taga-showbiz dahil sa mga nakakalokang kuwento tungkol sa isang popular na female personality.

?Sumobra pala talaga ang pagkahumaling niya sa feng shui, lahat pala ng kanyang mga ginagawa nu’n, pati sa mga personal niyang pangangailangan ay idinadaan muna niya sa feng shui.

?Kuwento ng aming source, “Kunwari, may pupuntahan siyang location shooting. Natural, may tent ang network du’n, pinakapahingahan ng mga artista, du’n siya makikita kapag hindi niya take.

?“Bago pala siya pumasok sa tent, e, meron siyang dala-dalang gadget para hanapin kung saan ang north, south, east at west. Parang compass ‘yun na nagtuturo kung nasaan ang place na hinahanap niya.

?“Ang ibang artista, di ba, e, basta na lang naglalagay ng upuan o bed nila sa tent? Ang girl na ito, e, ibang-iba. Haha­napin pa muna niya ang masuwerteng lugar sa tent, du’n siya nagpapalagay ng chair o bed niya sa mga alalay niya!

?“’Yun daw kasi ang pinakamasuwerteng place para pagpahingahan niya. Kung north ang sinabi ng feng shui expert na kausap niya, hindi mo siya makikita sa south!

?“Ganu’n siya talaga, marami siyang dala-dalang mga pang-feng shui na kagamitan. Meron siyang palaka, budha, tiger at kung anu-ano pa! Nakakalat ‘yun sa tent niya!

?“Kapag may pumapasok sa tent, nagpapaalala na siya agad na mag-ingat, baka kasi matalisod ‘yung mga palaka niyang nasa kung saan-saang lugar sa tent!” natatawang kuwento ng aming source.

?Pero ang pinakanakakaloka ay ang pagsunod din niya sa feng shui kung kailan sila magsisiping ng kanyang karelasyon. May ganu’n nga!

?Balik-kuwento ng aming impormante, “Nakakaloka siya! Pati ba naman ang pagla-lovemaking nila ng guy, e, kailangan pa ring ikonsulta niya sa feng shui?

?“Hindi sila basta-basta puwedeng magchurvahan, may tamang time daw para du’n, kaya kahit napakainit na ng libido ng karelasyon niya, e, kailangan pang maghintay kung kailan nila puwedeng gawin ‘yun!

?“Ano ang ending? Di ba, naghahanap na lang tuloy ng kaligayahan sa ibang babae ang karelasyon niya? Nalalaman niya na lang na meron na palang karelasyong iba ang guy!

?“Nakakaloka ang babaeng ‘yun! Pati isusuot niyang damit, kailangang ayon sa feng shui, ang pagbiyahe nilang mag-iina, kailangang ikinokonsulta pa rin sa feng shui!

?“Pero may nakalimutan siyang itanong sa feng shui. Bakit hindi niya nalaman na magpapahinga pala siya nang matagal na matagal? Bakit parang pinagkaisahan siya sa network na kinabibilangan niya?” napapailing na pagtatapos ng aming source.

?Ubos!

Vilma hirap sa pagkawala ng ina

Madali lang sabihin pero mahirap tanggapin. Ganu’n ang emosyon ni Congresswoman Vilma Santos sa pagpanaw ng kanyang ina. Maraming nagpapayo sa kanya na tanggapin nang maluwag sa kanyang puso ang pamamaalam ni Mama Milagros.

?Ninety three years old na raw ang kanyang ina, kaya kesa sa mahirapan sa kanyang sitwasyon, mas magiging tahimik na si Mama Santos sa kabilang buhay. Pero ang lahat ng ‘yun ay masarap lang pakinggan pero mahirap basta-basta tanggapin.

?Mula sa airport ay dumeretso na sa Loyola chapel sa Sucat ang kanyang mga kapatid na sina Maritess at Winnie. Nang makaabot sa magkapatid ang balita ng pagpanaw ni Mama Santos ay agaran na silang umuwi.

?Sabi ni Ate Vi, “Last year nu’ng umuwi sila, sinamantala nila ang chance na makasama si mama. Malayo kasi sila, du’n na sila nakatira sa States, kaya puro pakikibalita na lang ang ginagawa nila,” sinserong pahayag ng Star For All Seasons.

?Ngayong umaga ay mimisahan muna ang mga labi ni Mama Santos, pagkatapos ay dadalhin na ang kanyang mga abo sa isang simbahan sa Alabang, ipahuhukay rin ng pamilya ang mga labi ng kanilang ama para pagsamahin na nila ang kanilang mga magulang sa isang lugar lang.

?“Ulilang-lubos na kaming magkakapatid. Kami-kami na lang talaga at ang mga anak namin ang magkakasama. Maginhawa lang ang loob naming magkakapatid dahil naibigay namin kay mama ang pagmamahal at pag-aalagang kinailangan niya,” sabi uli ni Ate Vi.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with