Mark at Winwyn malabong magbalikan

Mark

SEEN: “I’m a better version of myself. I’m more responsible. I’m really inspired to work harder, not to prove anything at all. Inspired ako sa lahat ng bagay,” ang sagot ni Arjo Atayde sa presscon ng Stranded nang tanungin kung paano binago ng kanyang significant other ang direksyon ng buhay niya. Minsan lang binanggit ni Arjo sa open forum discussion ang pangalan ng kanyang girlfriend na si Maine Mendoza.  “Wala po akong pakialam (sa bashing). I am the wrong person to talk about bashing,” ang sabi ni Arjo nang hingin ang reaksyon niya tungkol sa kanyang mga basher.

SCENE: Si Jessy Mendiola ang leading lady ni Arjo Atayde sa Stranded. Itinanggi ni Jessy ang mga balita na mula sa ABS-CBN, lilipat siya sa GMA Network Inc. Pabor si Jessy sa mga panukala na ilipat sa araw ng Biyernes ang opening day sa mga sinehan ng mga pelikula.

SEEN: Ang Stranded ang unang mainstream movie ng indie film director na si Ice Idanan. Ang direktor na si Joey Reyes ang nagrekomenda sa Regal Entertainment Inc. na bigyan ng break si Idanan.

SCENE: Kinontra ni Mark Herras ang maling akala na suporta lamang ang role niya sa Bihag, ang afternoon drama series ng GMA 7 na magsisimula sa April 1. Pinatotohanan ni Neil del Rosario ang pahayag ni Mark. Hindi suporta ang karakter ni Mark dahil may back story sila ni Max Collins, ang lead actress ng bagong directorial assignment ni Neil.

SEEN: Irreconcilable differences ang dahilan ng break up nina Mark Herras at Winwyn Marquez noong January 2019. Kung pagbabasehan ang mga pahayag nina Mark at Winwyn, malabo nang magkaroon ng part 2 ang love story nila.

SCENE: Nagpapasalamat si Sophie Albert sa GMA 7 dahil sa magagandang role na ipinagkatiwala sa kanya. Si Sophie ang other woman ni Jason Abalos sa Bihag.

SEEN: Nagsalita nang tapos si Jason Abalos na si Vickie Rushton ang babae na pakakasalan niya at gustong makasama sa habampanahon na official candidate sa Bb. Pilipinas 2019.

Show comments