Alex
Alex tiba-tiba ang kita sa pagiging vblogger
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2019 - 12:00am

Malaki na raw talaga ang kinikita ni Alex Gonzaga sa kanyang YouTube channel. Kaya naman ang sipag niya. Wala man siyang sariling TV show, sa YouTube naman siya nangangarir ng pagiging host.

Maraming perks and benefits na ino-offer ang nasabing network sa mga user na maraming views at isa nga si Alex sa milyun-milyon ang followers and views.

RENEWAL NG FRANCHISE NG ABS NAKABITIN PA SA MGA CONGRESSMAN, PARANG CHANNEL 2 NA

Inilantad ng ABS-CBN ang mga pagbabago at mga inobasyon nito sa larangan ng digital media sa ginanap na Pinoy Media Congress Year 13 (PMC13), na ginanap kama­kailan lang sa pagtutulungan ng ABS-CBN at Philippine Association for Communication Educators (PACE).

Kinuwento ng iWant head na si Elaine Uy-Casipit kung paano tinutugunan ng iWant, na mayroon nang 11.3 milyong subscribers sa pagpasok ng 2019, ang demand ng mga netizen para sa iba’t ibang content sa mga handog nitong  shows, digital concerts, musika, sports, at mga orihinal na palabas tulad ng  Glorious at Bagman.

Dagdag pa ng head of content ng iWant na si Ginny Ocampo, bukas ang kumpanya na makipag-partner sa iba’t ibang indibidwal o organisasyon upang makagawa ng marami pang palabas na naaayon sa panahon ngayon at papatok sa mga manonood.

Kinuwento rin ng Star Music head na si Roxy Liquigan kung paano naging isang ganap na digital company na ang Star Music. Ibinahagi rin niya kung paano nila nasasagot ang iba ibang gustong tunog ng mga tao at paano nila napasikat ang mga artist tulad nina Moira Dela Torre at Inigo Pascual.

Nakita naman ng mga mag-aaral ang mga pagbabago sa industriya ng pelikula at ang mga ginagawa ng ABS-CBN upang pangalagaan ang kasaysayan nito. Tinalakay ng Black Sheep Films creative director na si Kriz Gazmen ang paggamit ng temang pang-millennial sa mga palabas ngayon, at kinuwento naman ng ABS-CBN Film Restoration project head na si Leo Katigbak ang mga ginagawa nila upang maisalba ang mga klasikong pelikulang Pilipino para mapanood pa ang mga ito ng susunod na henerasyon.  

Samantala, nabigyan rin ng oportunidad ang mga mag-aaral na makipag diskusyon tungkol sa iba’t ibang isyu sa media ngayon kasama ang ABS-CBN president at CEO na si Carlo Katigbak, COO ng broadcast na si Cory Vidanes, at ang head ng Integrated News and Current Affairs na si Ging Reyes sa isang open forum.

Ang patuloy na pagpapalakas ng Kapamilya Network ang nagiging basis ng iba tungkol sa sinasabing non renewal ng franchise ng ABS-CBN sa Congress dahil sa ilang issues.

May ilang congressman na nakakaalam ng tunay na status ng nasabing permit pero ayaw pa nilang magsalita openly.

Hit romcom series ‘My Sassy Girl’, mapapanood sa GMA-7

Magka-away na naging mag-partner, iibig sa isa’t isa?

Napapanood na ang hit Korean romantic comedy drama na My Sassy Girl.

Nagsimula ang lahat nang hindi inaasahang magkakilala sina Mr. Handsome Scholar, Gyun Woo (Cha Tae-hyun), at si Sassy Princess, Hye Myung (Jun Ji Hyun), na napahamak na naman ng kanyang kalasi­ngan. Dahil walang choice si Gwun Woo kundi tulungan si Hye Myung, dinala niya ito sa hotel hanggang mawala ang kalasingan. Pero nang magising ito, napagkamalan niyang pinagsamantalahan siya ni Gyun Woo, at dito na nagsimula ang mala-aso’t pusang away nila, hanggang sa maging appointed master of the Prince si Gyun Woo.

Samahan sila sa kakaiba at nakakakilig nilang love story sa My Sassy Girl, Monday to Friday, simula March 25, 9:20 AM sa GMA Network.                        

ALEX GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with