Ryan nilambing si Karylle!
(Pilipino Star Ngayon) - March 24, 2019 - 12:00am

SEEN: “Lambing lang” ang paliwanag ni Ryan Bang tungkol sa mga fight scene nila ni Karylle sa It’s Showtime. “Pampataas ng views” ang reaksyon ni Ryan nang mapansin nito na kinukunan ng video ang explanation niya tungkol sa away nila ni Karylle.

SCENE: Kasabay ng 45th anniversary celebration kahapon, ng Movie Workers Welfare Foundation Inc. ang groundbreaking rites para sa bagong Mowelfund building na itatayo ng Victor Consunji Deve­lopment Corporation. Si Manila City Mayor at former President Joseph Estrada ang founder ng Mowelfund noong 1974: Kabilang si Regal producer Mother Lily Monteverde sa top benefactors na binigyan kahapon ng parangal sa anniversary celebration ng Mowelfund.

SEEN: Sina Julian Trono, Vitto Marquez at Andrew Muhlach ang mga bida sa U-Tol, ang television series na mapapanood sa Viva TV tuwing Sabado, simula sa March 30, 2019, 8 pm.

SCENE: Ang surprise 40th birthday celebration ni Christopher Roxas noong Huwebes, March 21,sa Estela, ang restaurant business nila ni Gladys Reyes. Bago pa ipinagdiwang ni Christopher ang kanyang 40th birthday, tiniyak niya na physically fit siya habang nagkakaedad.

Nasorpresa si Christopher dahil hindi nito inaasahan ang pagdalo ng kanyang ina sa birthday celebration niya. Umuwi ng Pilipinas mula sa Australia ang nanay niya.

SEEN: Ang rumored romance nila ni Maine Mendoza ang inaasahan na itatanong ng entertainment press kay Arjo Atayde sa presscon ng Stranded, ang Regal Entertainment movie na pinagbibidahan nila ni Jessy Mendiola.

RYAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with