^

PSN Showbiz

Cristine civil lang sa asawa!

SEEN SCENE - Jojo Gabinete - Pilipino Star Ngayon
Cristine civil lang sa asawa!
Cristine

SEEN: Ang kanyang nanay na si Zsa Zsa Padilla at ang asawa na si Yael Yuzon ang mga surprise guest kahapon sa 37th birthday celebration ni Karylle sa It’s Showtime. Ipinarinig ni Karylle sa programa ang Simula na theme song ng Mystified, ang iFlix movie na pinagbibidahan nila nina Iza Calzado, Sunshine Dizon at Diana Zubiri.

SEEN: Ang balita na natensyon umano si Marjorie Barretto sa mga rebelasyon nina Gretchen at Claudine Barretto tungkol sa nakaraan nila ni Kier Legaspi, ang ama ng kanyang anak na si Dani Barretto. Matagal nang estranged sa isa’t isa sina Marjorie at Gretchen.

SEEN: Ang cast ng Sahaya na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali at Mylene Dizon na tutuntong sa unang pagkakataon sa Cainta studio ng Eat Bulaga ang maglalaro ngayon sa Boom game segment ng programa. 

SCENE: Sa susunod na linggo ang grand launch ng AO o All Out, ang digital lifestyle magazine na magtatampok sa hottest women ng bansa. Ang AO ang counterpart ng FHM na tuluyan nang isinara ng Philippine publisher nito. Ang Viva Entertainment ang publisher ng AO.

SEEN: Available na sa Apple Music, Spotify at sa ibang digital music store ang Work In Progress, ang bagong album ni Billy Crawford sa Viva Records. Halos isang dekada na ang nakalilipas mula nang maglabas ng album si Billy na sikat na singer sa Europe.

SCENE: “We’re civil,” ang sagot ni Cristine Reyes sa panayam ni Karen Davila tungkol sa relasyon nila ng kanyang asawa na si Ali Khatibi. Si Cristine ang guest kahapon sa Headstart, ang show ni Karen sa ANC, dahil nag-promote siya ng Maria, ang action movie niya na ipalalabas sa March 27, 2019.

vuukle comment

CRISTINE REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with