Dingdong Dantes sasabak sa Tadhana ni Marian Rivera

Dingdong

The secret is out na nga para sa fans ng Tadhana.

Ngayong nasa maternity leave ang host nito na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ikinatuwa ng viewers ng programa na ang mismong asawa niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang pansamantalang papalit sa kanya bilang host ng weekly drama anthology.

Kita ito sa libu-libong likes at shares na inabot ng video ng DongYan na uploaded sa kanilang official YouTube account na The Dantes Squad. Sa video, kita rin na nakasalang na sa GMA program ang Kapuso actor habang sinorpresa ito ni Yan.

Bukod sa excitement na nararamdaman para sa pagdating ng kanilang baby boy, talagang all set na rin nga ang award-winning actor at host sa kanyang bagong role.

Abangan ang pagsabak ni Dingdong sa Tadhana simula ngayong Sabado sa GMA-7!

Show comments