^

PSN Showbiz

Bea Alonzo insecure dati sa katawan!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Bea Alonzo insecure dati sa katawan!
Bea

Kamakailan ay nag-trending sa social media ang larawang nai-post ni Bea Alonzo kung saan ay naka-two piece ang aktres habang nagbabakasyon sa isang beach.

Ikinatuwa naman ng dalaga ang magagandang feedback mula sa netizens dahil sa kanyang Instagram post. “Nakakatuwa na ‘yung mga reactions ay positibo. Hindi siya tungkol sa pagpapakita ng skin eh. It’s about being comfortable in your own body and your skin. I also promote ‘yun nga, body positivity and to do it right,” nakangiting pahayag ni Bea.

Aminado ang dalaga na talagang insecure siya noon sa kanyang katawan at ngayon na lamang niya nagagawa na ipakita sa publiko ang magandang hubog nito. “Kasi I was tagged as fat, nag-suffer ako do’n. Malaki ang binago no’n sa personalidad ko. Kinuwestiyon ko ang sarili ko kung maganda ba ako o hindi. So ngayon it’s time to give back. Ngayon it’s time to know better. Gusto kong ma­ging ehemplo sa mga kabataan who are going through the same thing,” paliwanag ng aktres.

Sunshine Cruz, tanggap na ang pagiging kontrabida

Si Sunshine Cruz ang magiging kontrabida nina Karylle, Iza Calzado, Diana Zubiri at Sunshine Dizon sa iFlix movie na Mystified. Maaari nang mapanood online ang nasabing pelikula simula March 29.

Nahirapan daw si Sunshine sa shooting dahil bukod sa mga linyang Arabic ay magagaling din ang mga kasamahang artista sa nasabing proyekto. “Ang hirap ng lines. Hanggang ngayon hindi ko matandaan ‘yung arabic. It was a challenge for me of course because they are really great actors. Kailangan kasi matapang ako dito and at the same time maarte. I think na-achieve ko naman ‘yung maarte and at the same time very powerful. Ang saya sa set and everybody was just so nice and professional,” kwento ni Sunshine.

Kinailangan ding mag-boxing ng aktres bilang paghahanda para sa fight scenes ng pelikula. “That’s part of my exercise routine but this time around it was hard. Kasi may mga sipa-sipang ganyan. First time kong ginagawa ‘yan and ang naka-fight scene ko dito si Ms. Iza, ang galing. Nasisipa-sipa na niya ako sa paa, sorry siya nang sorry sa akin. Masakit pero nahihiya naman ako magsabi. Minsan masisipa niya ako, kailangan pala yumuko ako, hindi ako yumuko. Hindi maiiwasan ‘yung magkakaroon ka minsan ng masasaktan ka, pero it’s part of our job,” nakangiting pagdedetalye ng aktres.

Walang naging problema kay Sunshine kahit na kontrabida roles na ang kanyang mga ginagawa ngayon. Ayon pa sa aktres ay kailangang pakaabangan ng mga manonood ang kanyang kakaibang hitsura sa pelikula. “First time ko na nakaitim na lipstick. Aside from being tough and maarte, ‘yung look ko dito is very different from what I’ve been doing before. Sobrang modern now, talagang iba ang approach,” pagtatapos niya. (Reports from JCC)

vuukle comment

BEA ALONZO

DIANA ZUBIRI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with