^

PSN Showbiz

Javi naghahanap ng leading lady

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Javi naghahanap ng leading lady
Javi

Naghahanap ngayon ng leading lady for newest Kapamilya actor Javi Benitez para sa kanyang launching movie.

Action-romance ang pelikula na ididirek ni Richard Somes.

Kasama sa mga producer ng pelikula ni Javi ang father niyang si Cong. Albee Benitez na pahinga muna sa politics. Nasalubong namin siya the other day sa isang resto sa Quezon City at na-mention nga niyang two months ang training ni Javi bago mag-start sa shooting ng movie.

Physically ay ready na ang Kapamilya actor base sa mga post niya sa social media.

Si Javi ang ex ng Miss International na si Katarina Rodriguez.

Eh kung si Katarina na lang kaya ang gawin niyang leading lady?

#THANKFULSA33

Thankful and grateful sa 33.

Salamat sa readers na hindi nawawala ang interes sa pagbabasa ng dyaryo.

Major challenge para sa mga tabloid tulad ng Pilipino Star NGAYON ang pagsikat ng social media. Maraming humusga na dahil nga raw sa pag-boom ng digital platforms ay magbababu na ang print media.

For now, gladly, ay patuloy ang tiwala ng mga nagbabasa ng tabloid. Hindi sila nawawala. Nadagdagan pa nga dahil sa social media.

Kung sabagay may particular na mambabasa ang PSN.

Sa mga nagbabasa sa LRT, MRT, sa lolo’t lola, sa mga probinsiya, sa mga yaya, sa mga nagmamaneho ng jeep, tricycle at iba pang public transportation, maraming salamat po.

#Happy33rdPSN

TNT Boys World Tour, kasado na

Matapos ang trending nilang pagsali sa international competition na The World’s Best, ito magkakaroon naman sila ng kauna-unahan nilang international concert tour na pinamagatang TNT Boys Listen: The World Tour nga­yong Abril.

Dadalhin nina Mackie Empuerto, Keifer Sanchez, at Francis Concepcion ang sold-out concert nila sa US at Canada.

Mag-uumpisa ang concert sa Chabot College, Hayward California ngayong Abril 23, na susundan naman sa The Theater at Ace Hotel, Los Angeles, California sa Abril 25. Lilipad naman sila papuntang Canada ng Abril 27 at magpe-perform sa Edmonton Expo Centre, Alberta.

Samantala, muli na namang pinatunayan ng TNT Boys ang galing nila sa pag-awit sa latest co­ver nila ng A Million Dreams mula sa pelikulang The Greatest Showman kung saan may higit sa isang milyong views na ito sa YouTube at naging trending din sa naturang video streaming site.

Sunod-sunod na nga ang pagkilalang natatanggap ng TNT Boys sa ibang bansa. Bukod sa pagsali sa The World’s Best, napanood na rin sila sa international TV shows gaya ng The Late Late Show with James Corden,  kung saan naka-duet nila si Ariana Grande, at media outlets gaya ng BBC, Extra TV, at CBS Los Angeles.

vuukle comment

JAVI BENITEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with