Sikat na aktres noon pa  topakin at sumpungin!
Sikat na aktres noon pa topakin at sumpungin!
UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2019 - 12:00am

Pati nanay ‘di kayang disiplinahin

Puro senior citizens nang taga-showbiz ang magkakaharap isang gabi. Retirado na sila sa trabaho pero matagal pala nilang nakasama ang isang magandang female personality nu’ng batambata pa lang siya.

Ang grupong ito ang nakasaksi sa ugali ng babaeng personalidad, kabisado nila ang ugali ng pamosong aktres, wala siyang maitatago sa grupong halos araw-araw niyang nakakasama nu’ng super-bagets pa lang siya.

Sabi ng isang senior citizen sa umpukan, “Dati na siyang ganyan, may sumpong, mahirap pakibagayan. Bata pa siya, e, matindi na ang kanyang tantrums, kahit ang mommy nga niya, hirap na hirap siyang disiplinahin.

“Kapag wala siya sa mood, e, hindi siya kumikibo, palagi lang siyang nakasimangot, walang kinakausap. Talagang batambata pa siya, e, may sariling mundo na si ____(buong pangalan ng kilalang female personality),” unang kuwentong lumutang.

May iba namang kuwento ang isa pang senior citizen sa grupo, “Dalawa silang mga bagets stars na magkasabay na nagkapangalan. Palagi silang magkasama sa pelikula at mga TV shows.

“Malayo ang ugali sa kanya nu’ng ka-contemporary niya, disiplinado ang batang ‘yun, masunurin sa magulang. Saka wala siyang pinipiling tao sa set, lahat, kinakausap niya.

“Alam mong guided ‘yung kasabayan niya, nadidisiplina ng mga magulang, mahusay makisama, mabait sa mga kasalamuha niya. Magkaibang-magkaiba ang ugali nilang dalawa.

“Breaktime nu’n, nag-tantrums siya, inaaway niya ang mommy niya. Ang simpleng dahilan lang, e, gusto pala niya ng sabaw. ‘Yung kasamahan niya kasi, e, hinahatiran ng bagong lutong food sa ta­ping nila.

“Puro galing sa house nila ang kinakain ng kasamahan niya, samantalang siya, e, mga food na binili lang sa mga food chain. Nagwarla siya, talagang ayaw niyang kumain, nagagalit siya sa mommy niya!” kuwento ng senior citizen.

Nagkakaisa sila sa pagsasabi na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ng female personality ang kanyang ugali nu’ng bata pa siya. Wala kuno siyang ipinagbago.

“Nakakalungkot nga, kasi, hanggang ngayon pala, e, may sarili pa rin siyang mundo? Madalas siyang pinagkukuwentuhan sa set dahil may mga panahong nagiging mataray siya, suplada! “Nakakalungkot nga, kasi, hanggang ngayon pala, e, may sarili pa rin siyang mundo? Madalas siyang pinagkukuwentuhan sa set dahil may mga panahong nagiging mataray siya, suplada!

“Kulang siya sa guidance, sa totoo lang, kaya siya ganyan. Kahit sa pakikipagrelasyon, ang dami-dami niyang hugot, magbago na sana siya,” napapailing pang komento ng senior citizen.

Ubos!   

ALDUB FANS di nakapalag!

Wala nang ibang pamimilian ang mga miyembro ng AlDub Nation (hindi naman lahat) kundi ang tanggapin na hanggang sa harap lang ng mga camera ang relasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Mula nu’ng 2015 ay umaasa na silang magkatuluyan ang kanilang mga idolo, pero wala namang nagaganap na milagro, hanggang nga­yong 2019 na ay magkaibigan lang sina Alden at Maine.

Mas lumala ang sitwasyon dahil ang karelasyon na ni Maine ay si Arjo Atayde, wala pa rin sa eksena si Alden, hinuhulagpusan na ng pag-asa ang AlDub Nation na hanggang dito na lang talaga ang kapalaran ng kanilang mga idolo.

Masasakit na salita ang ipinakakain ng mga kapos sa pang-unawa kay Alden Richards. Ano raw ba ang gusto ng Pambansang Bae, ano pa raw ba ang kanyang hinahanap, samantalang nakahain na nga sa kanya si Maine?

Dapat ay maisip din ng mga taong ‘yun na may puso ang binatang aktor, hindi niya kailangang makinig sa mga sulsol, kung sa talaga namang hindi itinitibok ng puso niya si Maine ay bakit kailangang pilitin ‘yun at ipagtulakan sa kanya?

Tulad ni Maine, may damdamin din itong sinusunod, kaya nga may Arjo Atayde sa kanyang buhay ngayon ay dahil wala rin itong nararamdaman para kay Alden.

May mga ispekulasyon na dahil matagal silang magkakasama sa ibang bansa ni Kathryn Bernardo para sa pagtatambalan nilang pelikula ay baka may milagrong maganap sa pagitan ng dalawa.

Hayan na naman. Lalong hindi papasok si Alden sa masikip na sitwasyon dahil alam niyang meron siyang matatapakan. May Daniel Padilla na sa buhay ni Kathryn.

Alam na alam ni Alden Richards na ang kay Pedro ay kay Pedro at ang kay Juan ay kay Juan.

ALDEN RICHARDS MAINE MENDOZA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with