Alden at Maine
Alden Richards itatambal din kay Sarah!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 15, 2019 - 12:00am

Si Alden Richards ang sinasabi nilang isa sa masuwerteng Kapuso actor dahil after kina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado, siya naman ang kasunod na binigyan ng magandang film project ng Star Cinema.

Ang dinig nga namin, pagkatapos daw ng tandem nila ni Kathryn Bernardo, may isa pang maganda ring pelikula na balak nilang gawin for Alden kasama ang isa pang super sikat na singer/actress.

Maganda ang isyung pinag-usapang sa gitna ng kainitan ng kuwentong relasyon nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Kaya ang sabi raw, parang binuwag na raw ng relasyong Arjo-Maine ang AlDub loveteam, at nasundan pa ito ng pelikula nina Alden at Kathryn.“Hindi naman siguro, kasi I’m on the personal side naman eh,” kontra naman ni Arjo sa bintang na iyun.

Wala pa naman silang inaaming seryosong relasyon dahil hanggang ngayon ay “We’re exclusively dating…dun pa lang po muna,” sabi ni Arjo.

Kung napapag-usapan na ang bagong tandem nina Kathryn at Alden, puwede rin kayang magsama sina Arjo at Maine sa isang magandang film project?

“Saka na po,” pakli ni Arjo nang nakapanayam ito sa story conference ng bagong series niya sa IWant. “Of course, I’m looking forward to work with her definitely,” dagdag niyang pahayag.

Next month ay magsisimula na ang KathDen ng shooting ng pelikulang ito sa Star Cinema, na kung saan 21 days daw silang magsu-shoot sa HongKong.

Mukhang tanggap na ito ng mga KathNiel at AlDub fans dahil magaganda na ang mga reaksyon ng karamihang fans.

Pero yung kina Arjo at Maine naman ay may mga nagni-nega pa rin at madalas na si Arjo pa rin ang naba-bash. Hindi na lang daw nila pinapansin dahil masaya sila sa kung ano mang ini-enjoy nila sa kanilang relasyon.“Deadma na lang siguro. I’m happy nga eh. Tulad ng sinabi ko kanina, kuntento na ako. I’m just really happy, and I see her happy, and I see that’s all that matters to me,” sabi na lang ni Arjo.

Xian nagsusulat na rin

Sobrang excited si Xian Lim na ikinuwento sa aming tapos na raw siyang mag-shoot ng first movie na dinirek niya para sa Cinemalaya.

Tabon ang title ng pelikula na may pagka-mystery na medyo dark ang treatment sa pelikula.“Gusto ko kasi talaga yung makagawa ng kakaibang pelikula.

“Para sa akin ang laking achievement na nabigyan ako ng pagkakataong ganito.

“It’s completely different feeling…gaya nga ng nakuwento ko sa ‘yo, I’m so used to be being on cam na being off cam is such na alam mo yung bagong-bago ang lahat. It really helps na nabago yung vision ko as the storyteller, director. Iba yung pakiramdam na parang nasa ibang level yung feeling,” pakli ni Xian nang nakasama namin sa campaign sortie nina Cong. Nonoy Andaya sa Camarines Sur.

Ngayong nakapagdirek na siya, ngayon lang daw niya na-realize na mahirap daw pala ang magdirek. “Kasi lahat na problema, ah hindi naman problema, siguro obstacles pero ‘yung lahat na maliliit na bagay, ‘yung weather, ‘yung mga maliit na problema na dapat ayusin.

“Mahirap talaga siya eh. But, definitely maski mahirap, alam kong gagawin at gagawin ko siya. Dito ko lang nakuha yung term na ‘susuka pero hindi susuko,” sabi pa niya.

Ngayon ay nasa post-production na siya at talagang nagpupuyat daw siya sa editing. Ang mommy raw niya ang tuwang-tuwa dahil writer pala dati sa ilang shows sa RPN-9 at natutuwa raw ito na nakakapagsulat na siya ng script para sa pelikula at nagdidirek na rin ito.

Isa kasi sa gustong gawin talaga ni Xian ay magsulat, kaya sumailalim ito sa training ni Ricky Lee.

“Gusto ko talaga magsulat kasi nakikita ko yung nanay ko nagsusulat siya eh. Si Mom ko kasi ang nag-write dati sa RPN-9 before.

“I tried writing, then finally when I knew na I had to take lessons, I had to take the proper training for it. Iba pa rin kung meron kang nagmi-mentor, and I knew si Sir Ricky (Lee) yung parang maka-guide sa akin,” saad ng tsinitong aktor.

Binigyan daw siya ni Ricky Lee ng iba’t ibang klase ng pelikula para magkaroon lang daw siya ng guide kung anong magandang style ng story telling sa isang pelikula. Kaya may mga ni-rewrite siya sa script na pupuwede sa Cinemalaya. 

Mag-BFF na komedyante at singer/comedienne matindi ang away

Doon sa political rally na dinaluhan namin ni Xian, nagulat kaming hindi pala nagpapansinan ang magaling na komedyante at ang singer/comedienne na alam naming bestfriends.

Kitang-kita namin ang pag-iiwasan nilang dalawa sa holding area doon sa pinuntahan naming political rally sa Libmanan, Camsur.

Mahaba ang emote ni comedienne na masyadong personal ang rason nang di pagkakamabutihan, at meron din namang sagot si komedyante.

Hindi lang sila nabigyan ng pagkakataong magkausap para linawin ang isyung naging dahilan ng sama ng loob sa isa’t isa.

Sana maayos pa nila ito, dahil sayang naman ang matagal na pinagsamahan nila bilang mag-BFF.

ALDEN RICHARDS XIAN LIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with