Gabby Concepcion dedma sa demanda ng kapatid!

Gabby

SEEN: Ang kuwento ni Sunshine Dizon na tadtad ng salonpas ang katawan niya pagkatapos kunan ang kanyang mga fight scene sa Mystified, ang iFlix movie na mapapanood simula sa March 29, 2019. Halos magkasabay na ginawa ni Sunshine ang Mystified at ang Inagaw na Bituin, ang afternoon prime drama series ng GMA-7.

SCENE: Pinatotohanan ng Mystified director na si Mark Reyes ang salonpas story ni Sunshine Dizon pero thirteen years ago, bale-wala sa aktres ang mga matitindi na fight scenes niya sa original Encantadia dahil bata pa siya noon.

SEEN: Hindi pa naglalabas ng official statement si Gabby Concepcion tungkol sa kaso ng falsification of public documents na isinampa laban sa kanya ng kapatid niya na si Miguel ‘Mike’ Concepcion. Inaakusahan si Gabby ng pagbebenta ng lupa na lingid sa kaalaman ng kanilang ina.

SCENE: Sinubukan ni Mike Concepcion na mag-artista noong teenager siya. Napanood si Mike sa Aking Prince Charming noong 1983 at Campus Beat (1984). Sina Gabby Concepcion at Janice de Belen ang mga bida sa Aking Prince Charming, sina Aga Muhlach at Susan Bautista ang lead stars ng Campus Beat.

SCENE: Ngayong gabi ang huling lamay para kay Chokoleit sa Paket Santiago Funeral Homes sa Marcos Highway, Antipolo City dahil dadalhin na bukas sa kanyang hometown sa Davao ang bangkay niya.

SEEN: Ang karakter ni Leo Martinez ang comic relief provider sa Ulan, ang pelikula ng Viva Films na pinagbibidahan ni Nadine Lustre. Effortless ang pagpapatawa ni Leo sa kanyang mga eksena.

SCENE: Maiksi pero markado ang role ni Miss International 2016 Kylie Verzosa sa Ulan. Ang karakter ni Kylie ang pinagselosan ni Maya (Nadine Lustre) sa kuwento ng pelikula na ipinagmamalaki ng direktor na si Irene Villamor.

SEEN: Si Therese Malvar ang bida sa Anak, Bakit Ka Nagkaganyan?, ang episode ng Magpakailanman na mapapanood sa Sabado, March 16, 2019. Kung kontrabida siya ni Kyline Alcantara sa Inagaw Na Bituin, isang babae na biktima ng pang-aabuso ang role ni Therese sa drama anthology ni Mel Tiangco.

SCENE: Worthy of a best actress nomination ang performance ni Jo Berry sa Tuesday night episode ng Onanay. Pinupuri ang acting ni Jo sa eksena na nalaman niya ang katotohanan na si Lucas (Wendell Ramos) ang gumahasa sa kanya.

Show comments