Gerald halos matuwa sa ginawang birthday gift ni Bea!

Gerald at Bea

MANILA, Philippines — Nakakatuwa ang video ng birthday party ni Gerald Anderson organized by Bea Alonzo dahil nang dumating si Gerald, biglang tumalon ang aktres at yumakap sa aktor. ‘Katuwa dahil ang taas ng talon ni Bea na mabuti at hindi sila natumba ni Gerald.

Hindi sinabi kung saan ginawa ang birthday party ni Gerald na ang hashtag ay #TrentaNaSiBudoy. Makikita sa video na karamihan sa guests ay male friends ni Gerald at ang mas masaya pa, may pa-games sa birthday party na lalong nagpasaya sa party.

Sa kanyang speech, ang sabi ni Bea, “Thank you for being such a wonderful man. I love you” na pinalakpakan ng kanilang mga kaibigan.

Pero ang comments pa rin ng kanilang fans ay magpakasal na sila lalo na at kayang-kaya na nilang magpamilya dahil stable na sila pareho.

Samantala, busy naman si Bea sa promo ng Star Cinema horror movie na Eerie kasama si Ms. Charo Santos. Nasa cast din si Jake Cuenca. Sa March 27, ang showing ng movie sa direction ni Mikhail Red at co-production ng Cre8 Productions ng Singapore.

Dawn at Bitoy dream come true ang isa’t isa

Kasama pala sa cast ng Family History si Eugene Domingo, may BTS picture sila ni Michael V na kuha sa shooting.

Pinost ni Eugene sa Instagram (IG) ang picture nila ni Michael V at may caption na “A dream come true. Thank you Michael! @michaelbitoy for choosing me!”

Sumagot si Michael V ng “Nakupo! Eto naaaa!!! Thanks Uge! Lab yu much! Babawi ako! Promise!”

Si Dawn Zulueta ang kapareha ng komedyante sa Family History na para sa kanya ay dream come true at dream come true rin kay Dawn na umaming matagal na siyang fan ni Michael V.

Eric busy na ulit

Sana, kasama si Eric Quizon sa presscon ng Sahaya para siya mismo ang magkwento sa kanyang role at partisipasyon niya sa epic serye ng GMA 7 na simula na ang airing sa March 18, pagkatapos ng Kara Mia.

Sa presscon din malalaman kung ano talaga ang name ni Eric sa Sahaya dahil may nagsasabing siya si Pancho at may nagsasabi namang siya si Harold, ang ama ni Sahaya (Bianca Umali).

Nag-first day taping siya sa Sahaya sa Calatagan, Batangas. Second project ito ni Eric sa Kapuso Network mula nang siya’y magbalik. Napanood siya sa Victor Magtanggol ni Alden Richards.

Tuloy din ang pagdidirehe ng pelikula ni Eric at nabanggit nito na ang next project niya sa Regal Entertainment, sina Ms. Susan Roces at Maricel Soriano ang mga bida at kasama sa cast si Martin Nievera.                                                                                                             

Show comments