Antoinette Taus inoperahan matapos lapain ng aso

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng dating teen star na inatake siya ng isang chow chow habang dumadalo ng kasal sa Baguio.
Facebook/Antoinette Cherish Taus

MANILA, Philippines — Nagtamo ng pinsala sa kanyang kaliwang braso, kaliwang hita at kanang dibdib ang aktres na si Antoinette Taus matapos pagkakagatin ng isang aso nitong Sabado.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ng dating teen star na inatake siya ng isang chow chow habang dumadalo ng kasal sa Baguio.

"My left forearm suffered the worst and took two hours of surgery and suturing," banggit niya sa nasabing paskil.

Ikwinento rin niya kung gaano karahas ang sinapit dahil sa mga kagat ng hayop.

"[I]nitially when it first happened there was some fat hanging out of the wound and I could even see the tendon in my wrist," dagdag ni Antoinette.

Pagpapasalamat niya, wala siyang natamong permanentong pinsala

"Luckily there’s no permanent damage and no arteries or nerves were harmed." 

Humingi rin siya ng tawad para sa mga meetings na 'di niya madadaluhan ngayong linggo buhat ng aksidente.

Binalaan naman niya ang dog lovers mula sa pagkuha ng nasabing breed ng aso.

"For those thinking of getting a dog, I have been told that chow chow’s are the number one breed known to be involved dog bite cases," kanyang paliwanag.

Isang animal lover, siniguro naman niya sa publiko ang kaligtasan ng asong kumagat sa kanya.

Aniya, hindi niya raw maaatim na saktan ang hayop kahit na inaatake na siya nito.

Gayunpaman, aminado siyang "traumatized" na siya sa mga sa chow chow.

"Before buying expensive breeds, please give some thought to adopting dogs. Some parts of the US don’t allow dogs to be purchased in pet stores any longer. Please do consider adoption and give abandoned dogs a chance."

Maaalalang naging tanyag si Taus noong dekada '90 sa kanyang pagganap bilang Bianca de Jesus sa T.V. series na "T.G.I.S." at Anna Karenina Serrano sa "Anna Karenina."

Siya rin ang nakatatandang kapatid ng dating child star at ngayo'y DJ na si Tom Taus.

Show comments