Liza & John
Liza nakipag-bonding sa half brother na Portuguese
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 20, 2019 - 12:00am

Napaka-positive ng dating kay Liza Soberano pagkatapos ipalabas ang pelikulang Alone/Together nila ni Enrique Gil.

Bukod sa hit na hit pa rin ito sa takilya, nag-reunite sila ng kanyang 22-year old na half brother na si John, kapangalan ng kanilang Daddy na si John Castillo Soberano.

Isang Portuguese ang Mommy ni John na super close kay Liza.

Nagkita raw silang dalawa nung nagbakasyon si Liza sa Amerika nung nakaraang Pasko.

Wala pa raw isang taon si John nang huling makita ng kanilang ama, kaya tuwang-tuwa raw ito nang muli niyang nayakap ang kanyang anak.

Mabuti na lang at pumayag naman daw ang Portuguese Mom ni John na muling magkita sila ng kanyang ama.

Parang magkamukha rin sina Liza at John na six-footer sa edad na 22. Ang guwapo nga raw nito sa personal sabi ni Ogie Diaz sa kanyang Facebook account.

Sabi pa niya sa kanyang FB status, “Actually, na-meet na rin ni John si Enrique Gil, at tingin ko kahapon sa tsikahan nila ay close na rin sila.”

Dagdag pang kuwento ni Ogie; “May dalawang kapatid na lalaki si John doon sa nanay niyang Portuguese.

“Si Liza, may kapatid na buo kay Daddy John, Justin ang name. American ang mother nila.

“May lima pang kapatid sina Liza at Justin sa kanilang ina.

“Kay Daddy John, may asawa ngayon na Pinay, may half-sister dito sina Liza, John at Justin…ang one-year old na si Rian Love.”

Pelikula nina Winwyn at Enzo masusubukan kung makakasingit sa Alone…

Ngayong araw na ang showing ng Time and Again nina Winwyn Marquez at Enzo Pineda ng Regal Entertainment at marami na ang nagtatanong sa amin kung may makukuha pa kaya silang sinehan dahil sa lakas ng Alone/Together.

Na-check ko naman sa Regal, halos isandaan din ang mga sinehan nationwide at inaasahang susuportahan ito ng fans ng dalawa lalo na ang mga mahihilig sa romance movie.

“Sa totoo lang, mataas talaga ang pressure,” pakli ni Enzo. “Gaya nga po nang sinabi ni direk Joey, happy naman ako…happy ako sa trabaho, I think I did my job.

“Nakita ko yung trailer, nakita ko yung mga eksena namin ni Winwyn, at yung pagka-edit, pagka-direk ni direk Joey, sobrang ganda ng film.

“Sana po suportahan yung pelikula namin, and of course local films dahil napakaganda ng pelikula,” Sabi pa ni Enzo.

Asawa ni Yasmien may selos kay Dion

Napatunayan na ang lakas ni Yasmien Kurdi sa mga drama series, sa primetime at pang-hapon, ngayon naman ay susubukan siya sa pang-umaga.

Siya ang bida sa bagong daytime drama na Hiram na Anak na mapapanood na sa Lunes, February 25 bago mag-Eat Bulaga.

Si Dion Ignacio ang ka-partner niya rito at bale pangalawa na nilang magsama. Pero medyo bagets pa raw sila nung nagkasama sila sa Saan Darating ang Umaga, ngayon ay matured na at may anak sila rito.

Kumportable raw siya kay Dion dahil naging close naman sila nung nagkasama sila sa Starstruck. Pero hindi na-deny ni Yasmien na medyo pinormahan siya ni Dion nung nag-Starstruck sila.

Kaya hindi rin naitanggi ni Yasmien na kahit paano may konting selos ang asawa niyang si Rey Soldevilla sa leading man niya ngayon.

“Yata. Pero sabi ko nga sa kanya, wala naman kailangang pagselosan,” natatawang sagot ni Yasmien sa amin.

“Nag-uusap naman sila before, pero recently hindi pa sila nag-uusap.

“Eh sabi ko, okay naman yung mga scene namin, inaalagaan naman ako ni direk Gil (Tejada) and all.

“Sabi ko sa kanya, wala naman eh,” dagdag niyang pahayag.

Natutuwa lang daw siya sa tandem nila ngayon ni Dion dahil may fans pa rin daw pala sila dahil sa nabuo nila noon sa Saan Darating ang Umaga.

Ang isa pang ikinatuwa niya, may fans daw sila sa Africa hanggang ngayon dahil ipinapalabas dati sa i­lang African countries ang Saan Darating ang Umaga. Nung nakita raw nila sa social media na magsasama sila uli ni Dion, tuwang-tuwa raw ang mga fans nilang African.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with