Yasmien at Paolo
Yasmien Kurdi at Paolo Contis magtatagisan ng galing
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2019 - 12:00am

Kahapon ang presscon ng Hiram na Anak, ang pang-umaga at bagong drama series nina Yasmien Kurdi at Paolo Contis sa GMA 7.

Bongga ang mga project ni Yasmien dahil talagang naipakikita nito ang kanyang dramatic prowess sa lahat ng mga teleserye na pinagbibidahan niya.

Good na may teleserye uli si Paolo para maiba naman sa ginagawa niya na pagpapatawa sa Bubble Gang.

Baka nakalimutan na ng tao na mahusay sa drama si Paolo na napatunayan nito sa critically-acclaimed movie na Through Night & Day. Ang husay-husay ni Paolo sa pelikula nila ni Alessandra de Rossi kaya may karapatan siya na mag-win ng mga best actor award.

Sure ako na magagandahan ang tele­viewers sa Hiram Na Anak dahil naiiba na naman ang istorya na binuo ng team ng direktor na si Gil Tejada.

Panoorin natin ang bagong drama series nina Yasmien at Paolo na mag-uumpisa na mapanood sa susunod na Lunes, February 25 na isang holiday dahil gugunitain ang 33rd anniversary ng Edsa Revolution.

Si Lauren Young ang gaganap na kontrabida sa buhay ng karakter na gagampanan ni Yasmien sa Hiram Na Anak.

Effective na kontrabida si Lauren dahil kinaiinisan talaga ng televiewers ang pagiging maldita niya pero alam n’yo ba na isa siya sa mga Kapuso star na mahal na mahal ng production staff.

Kung maldita si Lauren sa mga teleserye ng GMA 7, kabaligtaran pala sa tunay na buhay dahil napakabait niya, team player at marunong makisama sa staff. Pareho sila ng kanyang kapatid na si Megan na love na love rin ng mga nakakatrabaho.

Ibang-iba si Lauren sa mga aktres na pa-sweet at wholesome ang image pero prima donna at nuknukan ng arte kaya inaayawan ng production staff.

Eileen Marcelo naudlot ang second wedding

Ninang dapat ako sa kasal bukas ni Eileen Marcelo ng House of Obagi.

Bongga dahil isang Indian ang husband niya na si Mayank.

Actually, may second wedding sana sina Eileen at Mayank na gagawin sa Manila dahil nauna na ang Indian wedding ceremony nila sa India. Pinapili ako ni Eileen kung gusto ko na mag-ninang sa Indian wedding pero nang malaman ko na magkakaroon ng Catholic wedding sa Pilipinas after ng wedding sa India, pinili ko na dito na ako maging sponsor na magaganap sana bukas sa  St. Gabriel Church.

Ay naku, after ng wedding reception sa India, may pinuntahan si Mayank at sumakay sa tuktok, tawag sa tricycle sa Thailand at India, nabangga ang sinasakyang tuktok at dinala siya sa ospital dahil parang nagkaroon siya ng internal injuries.

Dahil sa nangyari, hindi puwedeng sumakay sa eroplano si Mayank  at paglabas naman ng hospital, kailangan na niya na tumuloy sa USA dahil tapos na ang bakasyon at balik-trabaho na siya.

Sa US na mag-stay ang mag-asawa dahil doon ang trabaho ni Mayank.

Sabi ni Eileen, ang wedding sa Pilipinas, bale blessing ng simbahan na lang dahil married na nga sila sa India pero para sa mga relative niya na gustong makita na ikinasal siya.

Itutuloy pa rin nila ni Mayank ang balak na pagpapakasal sa Pilipinas  at kailangan, ninang pa rin ako. Bongga.

Biro ko nga, hindi kaya nauntog na si Mayank at divorce na siya dahil isang araw pa lang after ng wedding nagkaroon na agad ng accident? Joke lang Eileen at sana nga forever happy kayo ni Mayank.

Sayang, nagkaroon na sana ako inaanak na Bombay, nagpapautang kaya si Mayank? Joke lang po.

PAOLO CONTIS YASMIEN KURDI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with