Bela Padilla effective na kupido

Bela

Malaki ang naging papel ng actress-writer na si Bela Padilla sa engagement ng kanyang best friend na si Danielle `Dani’ Barretto sa fiancé nitong si Xavi Panlilio nung nakaraang linggo, February 17 na ginanap sa isang studio kung saan kunwari ginanap ang isang interview kay Dani ng Spring Films.

Si Bela pa ang sumundo kay Dani not knowing na naka-set-up na ang magaganap na proposal kung saan naroon ang respective family and close friends ng engaged couple. Si Bela rin ang naging tulay ng pagkakakilala nina Dani at Xavi na nangyari mismo sa birthday celebration ni Bela in May 2017 sa La Union.

Si Dani (26) ay panganay na anak ng aktres na si Marjorie Barretto sa actor na si Kier Legas­pi.  Ang apat pang mga nakababatang kapatid ni Dani ay sina Julia, Claudia at Leon (mga anak ni Marjorie sa ex-husband nitong actor-comedian na si Dennis Padilla) at ang bunsong si Erich Barretto (na anak naman ng aktres sa isang politician).

Mike naiba ang buhay sa asawa

Hanggang ngayon ay nanatili pa ring pribado ang Kapuso actor na si Mike Tan pagdating sa kanyang pamilya.

Mahigit isang taon nang kasal ang dating Ultimate Survivor ng second batch ng reality talent search na Starstruck 2004 sa kanyang non-showbiz wife at ang kanilang first child ay isinilang naman nung December 4, 2018.

Inamin ni Mike na marami umano ang nabago sa kanya magmula nang siya’y maging isang fami­ly man. Hindi na raw siya nagbu-buhay binata at very conscious na siya pagdating sa finances dahil pi­nag­­­ hahandaan niya ang magandang future ng kanyang pamilya.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakilala sa publiko ni Mike ang kanyang mag-ina.

Zia inip na sa magiging kalaro

Kamakailan lamang ay binigyan si Marian Rivera ng surprise baby shower ng kanyang sister-in laws sa kanyang mister na si Dingdong Dantes na dinaluhan ng pamilya at mga kaanak sa Dantes at Gonzalez side ni Dingdong.

In the next couple of months ay nakatakdang isilang ni Marian ang second baby nila ni Dingdong na isang boy na ayaw pang i-reveal ang pangalan ng mag-asawa.  Ang panganay nina Dingdong at Marian na si Zia ay nag-3 years old na last November 23.

Bukod sa mag-asawang Dingdong at Marian, kumikita na rin ang anak nilang si Zia sa pamamagitan ng product endorsement na mas excited na malapit na siyang maging ate.

Kris inspired kay Kylie

Hindi ikinakaila ng Kapuso actress at entrepreneur na si Kris Bernal na naging inspirasyon niya ang reality star na si Kylie Jenner kaya niya nabuo ang kanyang sariling lipstick brand na si SHE Cosmetics.

Aminado si Kris na collector umano siya ng iba’t ibang brand ng lipsticks kaya niya naisipang magkaroon ng sarili niyang brand ng lipstick which took her a year bago niya natupad ang kanyang pangarap.

Show comments