Joy at Mikey
Joy at Mikey malinis lumaban!
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

Kawawa ang mga candidate na binibira kahit hindi totoo ang issue pero mas kawawa kapag babae ang kandidata kagaya ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Alam ng mga kalaban niya sa pulitika na mahirap talunin ang isang Joy Belmonte kaya kung anu-ano ang fake news na  ibinabato laban sa kanya ng isang tabloid.

Dalawa sila ni Mikey Belmonte na talagang matatag ang kandidatura kaya walang ginawa ang iba kundi atakeng personal ang ibinabato.

Hindi dapat paniwalaan ang mga paninira dahil person of integrity at achiever si Joy, silent worker at ang daming nagawa sa Quezon City. Isa siya sa women of substance na nasa government service at talagang energetic leader kaya naman hindi kataka-takang katakutan ng mga kalaban.

Ganoon din si Mikey Belmonte na bata pa pero nasa public service ang puso.

Ang mga Belmonte tunay ang pagtulong, malinis lumaban, kaya buo ang tiwala sa kanila ng mga tao.

Hiwalayan sa showbiz nauuso

Nakaka-sad ang mga balita tungkol sa mga break up lalo na ang paghihiwalay ng matatagal nang magkakarelasyon.

Imagine, sina Gwen Zamora at Jeremy Marquez, nakaplano na ang wedding sa Bohol, everything was prepared pero hindi natuloy dahil hindi nakuha ni Jeremy ang annulment sa kanyang previous marriage.

Now, hiwalay na sila at may iba nang boyfriend si Gwen, si David ng Semerad twins na dating fiancé ng former beauty queen na si Gwendoline Ruais. Engaged na rin noon sina David at Gwendoline Ruais pero nauwi rin sa goodbye ang kanilang love story.

From Gwen to Gwen ang drama ni David kaya parang weakness niya ang girls na Gwen ang pangalan.

Anyway, blessing kaya na hindi natuloy ang wedding plans nina Gwen at Jere­my o dahil hindi nito nakuha ang annulment na naging dahilan para magkaroon ng strain ang kanilang relasyon na humantong sa paghihiwalay?

Gone with the wind din ang walong taon na love affair nina Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria dahil hindi rin nito nakamit ang annulment ng kasal nila ni Pampi Lacson na happy na ngayon sa piling ni Iwa Moto. How sad no?

Si Zsa Zsa Padilla sana ang unang babae na pinakasalan ni Mang Dolphy. Handang-handa na sila na magpakasal pero hindi rin nangyari dahil nabigo si Zsa Zsa na ma-getlak ang annulment ng kasal nila ng kanyang first husband na si Dr. Modesto Tatlonghari.

Namatay na bachelor si Mang Dolphy dahil wala siyang pinakasalan sa lahat ng mga babae na nakarelasyon niya. Si Zsa Zsa ang dapat na magiging first bride ni Mang Dolphy pero nagkaproblema nga sa annulment case ng singer-actress.

Hindi maiiwasan na magkaroon ng lamat ang isang relasyon na matagal na dahil sabi nga, familiarity breeds contempt.

Look at Mark Herras and Winwyn Marquez. Tatlong taon pa lang ang relasyon nila pero hindi mo aakalain na hahantong sa hiwalayan. Saksi ang buong Pilipinas sa kanilang overload sweetness and too much love for each other.

Nakapanghihinayang ang mga emotional investment nila sa isa’t isa, ang mga panahon na magkasama sila at ang pagsasalita noon ni Mark nang tapos na si Winwyn ang babae na pakakasalan niya.

Pero talagang ganyan ang buhay, you can never can tell kung ano mangyayari bukas kaya we should live by the day.

JOY BELMONTE MIKEY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with