Angel at Tony
Tony Labrusca at Angel Aquino may gagawin uli
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2019 - 12:00am

May dapat palang kalugdan ang fans and supporters ni Tony Labrusca na hindi nawawala ang pag-aalala na baka nga ma-deport ang idolo nila matapos ang isyu nito sa Bureau of Immigration.

Balitang gagawa ng part 2 ang direktor ng Glo­rious na ang mga bida ay sina Tony at Angel Aquino pa rin ang mga artista. Nagkakaisa ang marami na dapat lamang magkaro’n ng ikalawang bahagi ang Glorious matapos ang matagumpay nitong run via iWant. Humingi na ng apology ang young actor sa kanyang pinagkasalahan. Sana naman daw ay patawarin na siya ng BI officer na tumanggap ng kanyang kasalanan.

Bong Go maraming nakuha dahil kay Vice

I’m sure maraming boto ang nakuha ni G. Bong Go sa paggi-guest niya sa Gandang Gabi Vice. Appreciated ng viewers yong charm niya at pagkakaro’n ng mukhang mabait. Hindi siya nagpakita ng kahit pinakakaunting yabang na deserved ng kanyang posisyong hinahawakan sa gobyerno. Other DU30 candidates should follow his example kung gusto nilang maiboto sila. Ginawa sana yon ni G. Harry Roque bago siya umatras sa  kanyang laban para sa senado. Mas makakakuha pa si G. Go ng maraming karagdagang boto kapag naipalabas na sa Maalaala Mo Kaya ang kanyang buhay.

Pagkapanalo ni Karen, ayaw tantanan 

Sa halip na magpasalamat ang maraming Pilipino na nakuha na naman ng bansa ang international beauty title na Miss Intercontinental ng ating bet na si Karen Gallman ay kung anu-ano pa ang sinasabi nila na kesyo nanalo lang ito dahil sa hometown decision. 

Pero napanood naman ng lahat how beautiful our bet is and how well she performed sa Q&A segment. Tanggapin na lang natin na she represented our country well bagaman at maraming katanungan ang naglalaro sa isip ng mga nanood kung bakit dito ginawa ang pageant at hindi sa Japan na siyang host country ng Miss Intercontinental.

Julie Anne ready na uli sa bagong relasyon 

Maraming broken-hearted ang maaring matuto sa mabilis na healing process na pinagdaanan ni Julie Anne San Jose matapos nilang maghiwalay ni Benjamin Alves. Ma­raming mga nabibigo sa pag-ibig ang inaabot ng taon bago makapag-move on. Si Julie Anne ay parang ready na agad para sa isang bagong relasyon. Ganun din ba si Benjamin?

ANGEL AQUINO TONY LABRUSCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with