^

PSN Showbiz

Maganda at sexy star binansagang millennial jinx star

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakalungkot naman ang kuwentong nakarating sa aming source tungkol sa isang magandang female personality. Bata pa siya, malayo pa ang kanyang mararating, pero dahil sa mga nangyayari ngayon ay hindi matupad ang kanyang mga pangarap.

?Nagka-casting na ang isang produksiyon para sa isang pelikulang apat na magaganda at seksing artista ang kailangan para sa pelikula.

?Kuwento ng aming source, “Nag-ipon sila ng mga pangalan, ang dami-daming nakalista. Mula sa marami, tatanggalin nila ang iba at ilan na lang ang matitira sa listahan.

?“Ang nakakalungkot, ang unang-unang inalis na pangalan sa mahabang listahan, e, ‘yung kay ____(pangalan ng isang maganda at seksing aktres). Pasado siya sa lahat ng requirements, nasa kanya na ang lahat kung tutuusin.

?“Pero lahat ng magkakaharap sa meeting, e, isa lang ang sinabi. May pagka-jinx ang girl. Kapag kasama siya sa project, e, inaalat, hindi kumikita ‘yun!

?“Nagbanggit pala sila ng mga pelikulang pinagbidahan ng sexy actress, puro flop nga naman, talagang nilangaw sa takilya ang mga movies na ‘yun!

?“Sayang naman dahil maganda siya, sexy talaga siya, walang question du’n. pero siyempre, namumuhunan nang milyones ang mga producers, hindi naman sila basta nagsasayang lang ng datung!” simulang kuwento ng aming impormante.

?Jinx ang ikinakapit na salita ngayon sa pangalan ng maganda at sexy star. Basta kasama siya sa kahit anong proyekto ay sumesemplang ‘yun. Kalat na kalat na ang kuwentong may kamalasan siya, kaya ang mga produksiyon, hindi na talaga siya kinukuha.

?“Malaking problema ‘yun para sa isang artista. Imagine, meron ka namang talent, lahat ng qualities halos, e, nasa iyo na. Pero wala kang magiging work dahil jinx ka.

?“Nakakaawa naman siya. Kung gaano naman kasuwerte sa career ang karelasyon niya, e, kabaligtaran naman siya. Lucky in love siya, pero hindi siya lucky sa career niya.

?“Sana, mabura naman ang image niyang ‘yun, magkaroon sana siya ng project na kikita talaga, para bumalik na ang tiwala sa kanya ng mga producers,” hiling ng aming source.

?Ubos!

Angelica nakakatikim ng panlalait sa sobrang kasabikan na magka-dyowa

Kung anumang masasakit na salita ang tinatanggap ngayon ni Angelica Panganiban sa social media ay kailangan niyang tanggapin at tiisin ‘yun.

?Walang ibang pinagkukunan ng ideya at impormasyon ang mga netizen, lalo na ang mga basher, kundi ang mga post din niya na para bang sabik na sabik na siyang magkaroon ng boyfriend.

?Hindi maingat sa pagpo-post si Angelica, puwede ring wala siyang pakialam, dahil matagal na nga siyang napag-iinitan ng mga netizens ay ganu’n pa rin siya hanggang ngayon.

?Nang maghiwalay sila ni John Lloyd Cruz ay kauna-unawa pa ang kanyang sitwasyon. Masakit naman talaga para sa isang babaeng tulad niya ang basta na lang ipagpalit sa iba.

?Asang-asa ang aktres na sila pa rin ni John Lloyd, pero sa ibang tao pa niya nalaman na karelasyon na pala ng aktor si Ellen Adarna, sobrang sakit naman talaga ng nangyari sa kanya.

?Pero nagbibigay ang publiko ng palugit sa ganu’n. Mga ilang buwan lang ay dapat nang nakapag-move-on si Angelica, pero hindi ganu’n ang nangyari, taon na ang lumilipas ay si JLC pa rin ang pinoproblema niya.

?Sisigaw siya, 2019 na ay wala pa rin siyang boyfriend, talagang pagkakaisahan siyang i-bash, dahil kailan lang ay nagpalutang siya ng ideyang nagkakamabutihan na uli sila ni Carlo Aquino.

?Pinaniwala niya ang marami na sila na, pero biglang may lumitaw na babae, may iba palang karelasyon si Carlo. Nakakalungkot nga naman ang mga nagaganap sa kanyang lovelife.

?Iwasan na lang sana niyang magpakaemosyonal sa social media para hindi siya naba-bash. Siya rin kasi ang nagbibigay ng dahilan para siya upakan.

?Huwag siyang maghanap para may dumating. Huwag siyang mainip dahil sa ganda niyang ‘yan ay siguradong marami pang magmamahal sa kanya.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with