Kylie at Ruru
Kyru huhusgahan na
SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2019 - 12:00am

Ngayong Lunes (February 4), huhusgahan ang Kapuso onscreen pair na KyRu—Kylie Padilla at Ruru Madrid— sa election offering at latest political romantic comedy series ng GMA News and Public Affairs na TODA One I Love.

Tulad ng jeep, sikat na uri ng transportasyon sa Pilipinas, ang tricycle na sumasalamin sa kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Bukod sa malaki ang bahaging ginagampanan nito sa araw-araw na pag-commute ng maraming Pinoy, gina­gamit din ang tricycle para mag-promote ng mga produkto at sa pangangampanya ng mga pulitiko.

At kung ang tricycle ay may tatlong gulong, sa Toda One I Love, iikot din ang kuwento ng pangarap, pamilya, at pag-ibig sa tatlong bidang sina Gelay, Emong, at Kobe na masasangkot sa gulo ng pamumulitika sa loob ng TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association) pati na sa lokal na eleksyon sa pagka-mayor.

Ipasisilip ng programa ang estado ng local politics sa bansa—na may halong comedy at romance. Sa gitna ng latest Kapuso Telebabad offering na ito ay si Angela “Gelay” Dimagiba—isang strong-willed at independent young woman na gagampanan ni versatile actress Kylie Padilla.

Engineering student at anak ng tricycle driver na sina Mang Tolits at Aling Lea si Gelay. Family is everything para sa kanya. Handa niyang isakripisyo ang kanyang pansariling kaligayahan para sa kanyang pamilya. Bata pa lang, may “secret crush” na si Gelay sa kanyang kaibigang si Emong. Ngunit, itinuturing lamang siya ni Emong bilang nakababatang kapatid nito.

Bibigyang-buhay ni Kapuso heartthrob Ruru Madrid ang karakter ni Raymond “Emong” Magsino. Siya ang anak ni Aling Jane at Mang Jessie, ang kasalukuyang nanunungkulang TODA President. Isang masipag at matiyagang binata si Emong na determinadong maging maayos ang kanyang buhay. Makikipagsapalaran siya sa ibang bansa upang magtrabaho bilang isang mekaniko. Ngunit magsasara ang papasukan niyang kumpanya kaya’t balik-Pinas siya. Pagbalik ni Emong sa Pinas ay madi-diskubre niya na ang dating sisiga-siga na si Gelay…Sisiga-siga pa rin naman pero isa nang magandang dalaga! Si Emong naman ngayon ang ma-head over heels kay Gelay.

Kaya nga lang, hindi na siya ang nag-iisang umaaligid-aligid sa dalaga, nariyan na rin ang guwapo at mala-prince charming na si Kobe na gagampanan ni Chinito heartthrob David Licauco. Kahit anak siya ni incumbent Mayor Migs at ex-Mayora Dyna T., nagnanais pa rin si Kobe na gumawa ng kanyang sariling pangalan.     

Pero teka, bago pa man maka-boto si Gelay kung sino ang gusto niya sa dalawang manliligaw, ang eleksyon mismo ng TODA officials ang gugulo sa buhay niya at sa kanyang pamilya!

Makakasama rin nila Kylie, David, at Ruru sa political rom-com series na ito sina Gladys Reyes, Victor Neri, Jackie Rice, Kim Domingo, Tina Paner, Maureen Larrazabal, at Raymond Bagatsing. May espesyal na pagganap din si Allen Dizon.

Dapat ding abangan ng mga manonood ang karakter nila Cai Cortez, Buboy Villar, Archie Alemania, Kimpoy Feliciano, Ayeesha Cervantes, at Bruce Roeland.

Mapapanood ang world premiere ng TODA One I Love ngayong Lunes, February 4 sa GMA Tele­babad.

KYLIE PADILLA RURU MADRID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with