^

PSN Showbiz

Sikat na female tv personality gusto na rin mabuntis sa siyensiya!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Sikat na female tv personality gusto na rin mabuntis sa siyensiya!
AiAi

Kung magiging successful ang pagbubuntis ni Liza Diño gamit ang eggs ni Ice Seguerra at ang sperm donor nito, mai-encourage lalo ang ibang gustong magkaanak sa ganung proseso.

Isa na nga si AiAi delas Alas na gusto na raw talagang magkaanak sila ni Gerald Sibayan, pero sa taong 2020 ang target nila. Kaya super kayod ngayon si AiAi at focus din si Gerald sa pagkapiloto niya dahil kung matuloy ang pagbubuntis, sa baby na sila siyempre naka-focus next year.

Dati ay iniiwasan pa ni AiAi na pag-usapan ang proseso nang pagbubuntis, pero ngayon inaamin naman niyang kung ‘di madaan sa normal na paraan, doon raw sila hihingi ng tulong ng siyensya.

“May eggs akong sarili. Sabi ng eggs ko hello, meron na malapit na, wait lang,” pa-cute na pahayag ni AiAi sa presscon ng Valentine concert nilang Hitmakers and Ai na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa February 14.

Ang magka-baby naman daw talaga ang isa sa kinakarir nilang mag-asawa kaya bukod sa tulong ng siyensya, naniniwala pa rin ang Kapuso Comedy Queen na madadala nila ito sa dasal.

“Prayers can move mountains and prayers…lahat kaya niyang gawin basta bahala si Lord,” pakli niya.

Pero kung talagang hindi raw kakayanin, tingin naman daw niya maintindihan ng Diyos na kailangan na niyang idaan sa In Vitro Fertilization.

Bilang Papal Awardee, alam niyang ayaw ng simbahan ang ganitong paraan, pero iba na nga naman ang panahon ngayon, at alam niyang may basbas ng Diyos kung sakaling idadaan niya sa ganitong proseso.

“Help lang naman ng Science. I think okay naman iyun dahil life naman ito. Ang talagang kinokondena nila ang abortion,” pahayag ni AiAi.

Kaya nga ngayon lagare na siya at baka next year hindi na siya makapag-Valentine concert dahil willing siyang mag-bed rest para ma-assure ang pagbubuntis niya.

Itotodo na niya rito sa Hitmakers and Ai kasama ang mga hitmaker na sina Rey Valera, Marco Sison at Hajji Alejandro.

Teka, totoo kaya ang ibinulong sa aming bukod kina AiAi at Liza, meron ding isa pang sikat na female TV personality ang gusto na rin daw magpa-IVF para mabuntis lang?

Willing din daw siyang surrogacy, kung talagang di na kayanin ang mabuntis dahil na rin sa edad niya.

Kyline dati nang natalbugan ni Therese sa indie film

Muling itinanggi ni Kyline Alcantara na nagkaroon talaga sila ng isyu o problema noon ni Bianca Umali sa Kambal Karibal.

“Wala naman pong nangyari noon,”  nakangiting sagot ni Kyline nang naungkat muli yung isyu nila ni Bianca sa presscon ng bagong afternoon drama niyang Inagaw na Bituin na magsisimula na sa February 11.

Nagkaroon lang ng conflict dahil sa iringan ng fans nila, pero tingin naman daw nila hindi ito mangyayari sa kanila ni Therese Malvar na katapat niya rito sa Inagaw na Bituin.

“Yung awayan sa fans, sana po hindi mangyari yun because ‘yun nga po lahat kami…me I just want to spread positivity to everyone.

“Saka, they know the word res­pect po kasi,” dagdag na pahayag ni Kyline.

Sabi naman ni Therese, mababait ang fans ni Kyline kaya maayos daw ang samahan nila sa taping at wala naman daw conflict sa kanila.

“Pero, feeling ko wala naman pong may mangyari. Kung meron man dahil po sa characters namin,” pahayag ni Therese.

Dagdag na pahayag ni Kyline, “Tingin ko po kasi hindi magkakaroon ng ganun kasi we’re both professionals in our own craft.

“Focus po kasi kami sa soap mismo, not our personal issues.”

Agree rin naman silang dalawa na mas mabuting maayos lang ang kanilang communication at pag-usapan agad kung may problema para hindi na lumaki ang isyu, dahil friends naman daw talaga sila noon pa.

“Opo, para clear po yung mindset namin and pure po yung intentions namin at walang unhealthy na mamagitan,” saad ni Therese.

Nagkasabay pala noon sina Therese at Kyline sa audition ng indie film na Huling Chacha ni Anita na napunta kay Therese ang role.

Enchong bidang-bida!

Na-enjoy nang husto ni Enchong Dee ang pag-promote niya ng pelikulang Elise sa Eat Bulaga kahapon.

Naglaro sila nina Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco ng Boom na isa sa top rater segment ng longest-running noontime show.

Todo talaga ang pag-promote ni Enchong ng pelikulang ito dahil kahit title-role si Janine bilang si Elise, si Enchong ang bidang-bida sa pelikulang ito.

Aliw ang mga eksena nila ng batang si Miel Espinoza na halos ganundin ang karakter na ginampanan sa Cinemalaya movie na Pan de Salawal.

Pero touching din ang mga eksena nila ni Janine pati ang kanilang kissing scene na kailangan naman talaga sa kuwento.

Kuwento ng wagas na pag-ibig, moving on at ma in-love muli ang Elise at aminado naman si direk Joel Ferrer na sobrang inspired siya sa pelikulang ito.

Sa February 6 na ang showing ng Elise.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

LIZA DIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with