Xian at Louise muntik magkainlaban sa shooting?!
(Pilipino Star Ngayon) - January 18, 2019 - 12:00am

SEEN: Ang balita na muntik nang “magkamabutihan” sina Xian Lim at Louise delos Reyes sa shooting sa Japan ng Hanggang Kailan, ang love story movie nila na may playdate sa cinemas nationwide sa February 6, 2019.

 

SCENE: Ang payo kay Kim Chiu na huwag panoorin ang Hanggang Kailan dahil baka magselos siya sa mainit na love scene nina Xian Lim at Louise delos Reyes. Si Xian ang boyfriend ni Kim sa tunay na buhay. 

SEEN: Hiyang sa bakasyon si Tom Rodriguez dahil nadagdagan ang timbang niya na napansin kahapon sa story conference ng Dragon Lady, ang upcoming television series ng GMA 7 na pagbibidahan nila ni Janine Gutierrez.

SCENE: Best Evening Gown designer ang Filipino fa­shion designer na si Chico Estiva sa preliminary competition ng 47th Miss Intercontinental na ginanap sa Okada Manila noong Miyerkoles nang gabi. Si Miss Belarus Karalina Charnashei ang gumamit ng gown na ginawa ni Estiva.

SEEN: Best in Swimsuit winner sa preliminary competition ng 47th Miss Intercontinental si Miss Paraguay Gabriela Natasha Soley, isa sa mga kandidata na malaki ang tsansa na mapanalunan ang korona.

SCENE: May problema sa relasyon sina Ryza Cenon at Cholo Barretto pero magkasama sila sa The General’s Daughter, ang primetime television series ng ABS-CBN na magsisimula sa Lunes, January 21, 2019.

SEEN: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Ngayon at Kailanman, ang drama series na pinagbibidahan ng real-life love­team nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Ang The General’s Daughter ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Ngayon at Kailanman.

SCENE: Mapapanood sa Ang Probinsyano hanggang March 28 sina Edu Manzano at Jhong Hilario dahil sa March 29 ang opisyal na pagsisimula ng pangangampanya ng mga tatakbo na house representative at konsehal. Kakandidato si Edu na congressman ng San Juan City at konsehal sa first district ng Makati City si Jhong.

LOUISE DELOS REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with