Angel
Angel ayaw pakialaman ang nabiling beach front
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2019 - 12:00am

Isang beach property ang nabili ni Angel Locsin sa Zambales kamakailan. Ayon sa aktres ay ang kanyang ama talaga ang gustong magkaroon ng isang bahay na maaaring tuluyan na malapit sa dagat. “Si daddy ang nagsabi sa akin. Hindi ako makapag-no sa tatay ko. Mahilig kasi siya sa mga gano’n eh,” nakangiting pahayag ni Angel.

Para sa dalaga ay talagang maganda at tahimik ang kinatatayuan ng kanyang bagong naipundar. “Kung gusto mong maka-experience ng nature talaga, survival, mga ganyan, walang signal, walang kalye. Kailangan mong mag-bangka doon. So kung nature lover ka, gusto mong mag-escape sa life, perfect spot,” pagbabahagi ni Angel. Hanggang maaari ay hindi raw babaguhin ng aktres kung ano ang hitsura ng kanyang beach property. “I don’t want to develop it. Siguro ano lang, gumawa ng maliit na shelter, na eco-friendly siya. Tapos siguro kaunting camping grounds, magtanim ng puno, alagaan ang dagat. Ayaw ko kasing i-disturb ‘yung natural beauty niya eh. Kung bibili ako ng ganito kagandang lugar, I don’t want to damage para lang kumita,” paliwanag ng aktres.

Piolo tuluy-tuloy ang biyaya

Katatapos pa lamang magdiwang ni Piolo Pascual ng kanyang ika-apatnapu’t dalawang kaarawan noong Sabado. Masayang-masaya ang aktor dahil tuloy-tuloy pa rin ang dating ng mga proyekto sa kanya ngayong 2019. “I’m still very much part of Home Sweetie Home. We just celebrated our fifth year. They included me last October, 2017 and I’m still very much part of the show. And then we reformatted ASAP. We’re going to Toronto for a Valentine’s concert and then I’m touring with my son in April in the States as well. I’m working on an album and hopefully doing a concert before the year ends and I’m working on a couple of films,” pagdedetalye ni Piolo.

Samantala, isang bagong TV commercial din ang katatapos pa lamang gawin ng aktor kasama sina Dingdong Dantes at Derek Ramsay. Ayon kay Piolo ay talagang masarap katrabaho ang dalawang aktor. Kailangan daw pakaabangan ng kanilang mga tagahanga ang mga gagawin pa nilang tatlo ngayong taon. “It was so much fun. Hindi kami natatapos sa kwentuhan eh. Kaya on and off camera we were just making kwento the whole day. There’s a couple of campaigns we’re working on but we can’t really divulge and it’s the first time,” nakangiting pahayag ng aktor.

ANGEL LOCSIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with