^

PSN Showbiz

Jep hindi totoong kalahati lang ang kita kay Vice

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Jep hindi totoong kalahati lang ang kita kay Vice
Coco at Maine

Ayaw kong ma­­niwala sa balita na kala­hati lang ng kita ng pelikula ni Vice Ganda ang box office gross ng Jack Em Popoy: The Puliscredibles, ang Metro Manila Film Festival movie nina Coco Martin, Maine Mendoza at Vic Sotto.

Actually, sa middle ng showing ng mga filmfest entry, kitang-kita na nag-work ang word of mouth na maganda ang pelikula nila Bossing, Coco Martin, at Maine kaya humabol ito nang husto sa pelikula ni Vice Ganda.

Over acting naman ang promo at publicity na halos kalahati lang ng total gross ng Fantastica ang kinita ng Jack Em Popoy.

Okey lang kung mas malakas ang Fantastica pero para sabihin na kalahati ang agwat nito sa Jack Em Popoy, aapela ako.

Ang ganda ng reviews, positive ang reactions ng mga nanood tapos ganoon ang box office results ng Jack Em Popoy? Nasaan ang hustisya?

Mahirap na nagbibigay ka ng report na parang ito na lang ang panoorin mo na pelikula dahil mas malakas sa takilya.

Kung ‘yung Rainbow’s Sunset nga, biglang pinilahan at nadagdagan ang mga sinehan dahil sa word of mouth na maganda ang pelikula ni Joel Lamangan na nag-win ng Best Picture award, ang Jack Em Popoy pa kaya na umpisa pa lang ng MMFF, kumalat agad ang balita na matino at bongga ang drama comedy action movie nina Coco, Bossing at Maine?

Ang official results ang dapat ipaalam sa publiko, hindi ‘yung mga hula-hula.

Basta para sa akin, hindi masasayang ang pera ng mga hindi pa nakakapanood sa pelikula nina Maine,Coco at Bossing. Panoorin n’yo and be the judge! Showing pa sila.

Tony dapat bigyan ng leksyon!

Bongga ang mga balita tungkol kay Tony Labrusca as in pasabog talaga.

After ng Glorious project nila ni Angel Aquino, ang kaso naman niya na nangyari sa immigration counter ng NAIA ang talk-of-the town.

‘Yan ang nagiging problema kapag mainitin ang ulo mo, konting bagay lang, ikinagagalit mo agad.

Kapag artista o celebrity ka, dapat na mas mataas ang level ng pasensya mo at mas malawak ang pang-unawa mo na nagpapaalaala sa akin ng dialogue ni Lino Brocka noong nabubuhay pa ito, shout at your equals, not to your inferiors.

Sa Tagalog, makipagtarayan ka sa kapantay mo pero pairalin ang pasensya sa mas mababa sa’yo like kung tarayan ka ng isang salesgirl, ‘di ba dapat isipin mo kaya nga salesgirl siya kaya intindihin mo na lang at hindi mo patulan kasi suwerte mo ikaw ang customer, mas kaya mo na bumili.

Sa kaso ni Tony na isang foreigner kahit may Pinoy blood siya, dapat igalang niya ang mga tao na sa bayan natin dahil para bang you looked down on us dahil iba ang citizenship mo.

It’s a must na mabigyan talaga ng aral si Tony na malaki ang kailangan na ipagpasalamat dahil celebrity siya sa Pilipinas pero nameless as in “da who” siya sa bansa na pinanggalingan niya.

vuukle comment

JACK EM POPOY: THE PULISCREDIBLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with