Laban ni Manny sa Las Vegas handang-handa na!

Manny

Excited na ako sa trip natin sa Las Vegas para sa boxing fight ni Filipino Champ Manny Pacquiao. Imagine, last ko na punta sa Las Vegas, noong fight ni Papa Manny kay Floyd Mayweather, Jr.

Talagang Santa Claus natin si Papa Toby Tiangco dahil asikasong-asikaso niya ang lahat ng mga kailangan natin para sa Las Vegas trip.

Inggit nga si Gorgy Rula na balak nang lumipat sa Navotas. Hahaha. Sure ako na meron na naman mamatay-matay sa inggit sa pagmamahal na ipinadarama ni Papa Toby sa akin.

Hitsurang meron akong Papa Toby, meron pa akong Papa Albee Benitez, bongga ‘di ba?

Mahilig talaga si Papa Toby sa boxing lalo pa nga at very close sila ni Papa Manny. Parang siya ang lucky charm ng Pambansang Kamao.

At hindi nga ba promise ni Bernard Cloma, the best tickets ang ibibigay sa atin ni Mama Jinkee Pacquiao na in fairness ang bait-bait sa atin pag nakikita tayo sa fight ha?

So, Vegas here we come at thank you again and again our Santa Claus, Papa Toby na surely, magiging mayor uli ng Navotas City.

Duke at Amy naka-dalawang dekada na

20 years na pala na married sina Duke Ventura at Amy Austria. Bongga!

Marami rin silang naging trials, problema, pero matibay ang chemistry nila.

I have never seen a man as secure as Duke and a perfect housewife material like Amy.

Totally compatible sila, perfect match. Kung nasaan weakness ni Amy, naroroon ang strength ni Duke and vice versa. So happy to have seen how they grew up together, how stronger their tie is all these years.

To Duke and Amy, happy anniversary and stay in love forever. So lucky to have both of you in my life.

Fans nina Alden at Maine hindi pa rin nawawalan ng pag-asa

Halos araw-araw na nakabantay sa Eat Bulaga at 24 Oras ang kasambahay ko na si Mel para panoorin ang mga birthday celebration na ibibigay ng dalawang programa kay Alden Richards.

Naghihintay talaga si Mel sa mga tribute na gagawin ng mga programa para sa birthday celebration ng kanyang ever favorite na si Alden.

Kaloka na sinumbatan ako ni Mel na ang tagal ko na raw na promise na dadalhin siya sa Eat Bulaga, noong napapanood pa ito sa Broadway at ngayon, lumipat na sa Cainta, hindi ko pa raw siya nadadala.

Promise ko rin sa kanya na ipapakilala ko siya nang personal kay Maine Mendoza pero hindi ko rin tinupad. Hay naku, si Mel na lang ginagawa kong gauge na buhay pa rin ang loveteam ni Alden at Maine.

Sa nakikita ko na passion niya sa dalawa, hindi rin nagbabago ang pananalig ko na ganoon pa rin katibay ang love sa kanila ng fans. Sige na nga, habang wala naman na nakikita na talagang minamahal ang dalawa, may hope pa rin.

Baka nga hindi lang nabibigyan ng pansin dahil sa pressure at toxic na pakikialam.

Kung anuman ang maging ending nila, basta masaya sila, masaya na si Mel. Basta love niya ang dalawa, wala siyang paki kahit kanino, ‘yung dalawa lang.

Bongga, baka dahil kay Mel, makapunta ako sa bagong studio ng Eat Bulaga or else, baka mawalan ako ng kasama sa bahay.

Show comments