Alex hindi nakakapalag pag pinagagalitan ng bf

Matagal-tagal nang magkarelas­yon sina Alex Gonzaga at Mikee Morada. Ngayon ay napag-uusapan na raw ng magkasintahan ang tungkol sa pagpapakasal. “Napag-uusapan na namin. Siyempre ang fake naman kung hindi pa napag-uusapan at tumatanda na rin but alam namin kung ano ang time frame. May time frame kami sa isa’ isa. First time akong nagkaroon ng karelasyon na nasa same kami ng page, same wavelength. So walang naiinip, walang nagmamadali, pareho,” makahulugang pahayag ni Alex.

Para sa nakatatandang kapatid na si Toni Gonzaga ay malaki ang ipinagbago ni Alex mula nang makarelasyon si Mikee. “Nakita ko ‘yung change of attitude ni Alex when it comes to handling relationships. Kasi kapag ayaw na, ayaw na, gano’n siya. With Mikee, nag-a-adjust at pinapagalitan siya, tuwang-tuwa ako na pinapagalitan siya ni Mikee. Kasi tapos na ‘yung trabaho ko (bilang ate). May iba nang nagagalit para sa akin,” paliwanag ni Toni.

Samantala, nakahanda at tanggap na rin ng inang si Pinty Gonzaga kung sakali mang magpakasal na si Alex sa kasintahan. “Ready na kami ni daddy kapag si Alex ay mag-asawa. Sinasabi namin sa kanya ‘yon. If she’s ready to marry, okay lang sa amin. Kasi she’s not getting any younger. At saka para madagdagan na si Seve, madagdagan na ‘yung apo namin. Gusto ko rin si Mikee at saka nakita ko sa kanya ‘yung lagi niyang ini-encourage si Alex. Nagbibigay siya ng inspiration especially when down si Alex, lagi siyang nandiyan. Ako, gusto ko siya at sana sila na talagang dalawa,” pahayag ni Mommy Pinty.

Marco laging maaga ang pasko pag kasama ang tatay

Mamayang hapon na gaganapin ang Metro Manila Film Festival 2018 parade. Makakasama sa nasabing parada si Marco Gumabao na kabilang sa pelikulang Aurora na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

Ayon sa aktor ay maagang binisita ng kanyang pamilya ang amang si Dennis Roldan sa piitan na apat na taon nang nakakulong. “Actually ‘pag mismong araw ng 25 (December), hindi pwede. So we usually go 23 and since hindi ako makakasama because of MMFF, mas maaga na, na-move noong birthday (December 8) niya. We visited him,” nakangiting pahayag ni Marco.

Kahit matagal nang hindi kasama ang ama ay hinding-hindi naman daw nakalilimot ang buong pamilya ni Marco kay Dennis. “Mahirap pero nasanay na din kami because ‘yung mom ko naman masipag naman siya mag-visit and ‘yung kuya ko. Kasi malapit nakatira sa kanya so si kuya ang madalas na nakakapunta sa kanya and also my Tita Isabel (Rivas),” kwento ng binata.

Show comments