^

PSN Showbiz

Arnel si Coco ang gustong gumanap sa kanyang buhay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Arnel si Coco ang gustong gumanap sa kanyang buhay
Arnel

Kamakailan ay napabalitang nagbabalak umanong gumawa ng pelikula tungkol sa buhay ni Arnel Pineda ang direktor ng Crazy Rich Asians na si Jon Chu.

Kung sakaling matuloy ito ay gusto raw ni Arnel na si Coco Martin ang gumanap dito bilang siya. “Si Coco Martin, kaya lang ‘yung pagiging chinito niya, iba ‘yung eyes namin. ‘Yung dini-dream ko dito is makapag-open up pa ng bigger door sa mga kapwa ko Filipino at sa other Asian talents,” bungad ni Arnel.

Isang malaking karangalan daw para sa international singer kapag natuloy ang proyektong tumatalakay sa kanyang buhay. Umaasa si Arnel na magkikita sila ni direk Jon sa mga susunod na linggo para pag-usapan ang bagong proyekto. “Personally I want this to happen. Maganda ‘to para sa atin eh, maganda sa mga dreamer, sa mga nangangarap katulad ko who want to make it big, or at least ‘yon bang ma-recognize man lang ‘yung talent nila,” nakangiting pahayag ni Arnel.

Sa susunod na taon ay patuloy pa rin ang international tour ng bandang Journey kung saan kabilang si Arnel.

Empoy may gagawin na uling serye

Noong isang taon ay tumabo nang husto sa takilya ang pelikulang Kita Kita na pinagbidahan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez.

Sa ngayon ay mapapanood sa Netflix ang nasabing pelikula.

Matatandaang sa Japan pa kinunan ang karamihan sa mga eksena sa Kita Kita. Kamakailan ay hinirang si Empoy bilang bagong Tourism Ambassador ng Japan sa Pilipinas. Hindi raw kailan man inakala ng komedyante na mararanasan niya ito. “First of all flattered kaming dalawa ni Alessandra at ng buong team ng Kita Kita. Thankful kami kay God kasi hindi naman namin expected na ganito ang kalalabasan ng pelikula at sobrang blessed po,” nakangiting pahayag ni Empoy.

Hindi rin makapaniwala ang binata na siya pa ang napili ng Japan upang maging ambassador na siyang nag-aanyaya sa mga turista upang pumunta sa bansa. “Hindi po ako makapaniwala, kasi siyempre ipinagkatiwala sa akin na mang-imbita ng mga turista sa Japan na talaga namang napakagandang bansa. ‘Yung lugar, ang kagandahan ng Japan ay fresh air. Mababait ang mga tao at magalang. Sobrang nakakatanggal ng problema,” pagbabahagi ni Empoy.

Maliban sa pagiging ambassador ng Japan Tourism ay abala na rin ang komedyante sa paghahanda para sa isang bagong teleserye sa susunod na taon.

vuukle comment

ARNEL PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with