^

PSN Showbiz

Gary V. ini-encourage na magsalita ang mga may sakit

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Gary V. ini-encourage na magsalita ang mga may sakit
Gary V.

Sumabak na uli sa medical, dental, optical missions and wheelchair distributions si Mr. Pure Energy Gary Valenciano.

Yup, wala na ngang trace na may pinagdaanang medical crisis si Mr. Gary V. recently lang.

Dumaan siya heart bypass surgery and kidney operation last July.

Two weeks ago ay binisita niya ang kanyang hometown in Camalig, Albay to give back to his kababayan para nga magkawanggawa. Ang nasabing program ay sa  pangunguna ng CBN Asia’s humanitarian arm, Operation Blessing Foundation Philippines and Shining Light Foundation, Inc.

Binisita ni Mr. Pure Energy ang beneficiaries habang ang mga ito ay nagpapa-check up.

Pinangunahan din niya ang distribution ng school supplies sa mga estudyante ng Camalig North Central School.

“It has always been my heart’s desire to meet with beneficiaries face-to-face. It fuels me to continue in entertaining and blessing people,” Sabi Gary V..

At ito, nag-mini concert pa siya pagkatapos mapanood ng mga estudyante ang episode ng CBN Asia’s animated series na Superbook, na after niyang i-entertain inin-courage rin nito ang mga bata na i-share kung sino man sa kanila ang nakikipaglaban sa sakit.

Twenty years na siyang partner ng Operation Blessing kung saan lagi niyang sinasabi kung paano siya nagpapasalamat sa mga pagkakataon na ibinigay sa kanya para i-share ang kanyang blessings.

Pakiramdam niya ay  nagsilbi na rin siya sa Diyos sa kanyang ginawa. “I do not really need to do this, but I’m driven to do it. If I can go out of my way to go to far-off places, to speak, touch, and reach out to people, then I would gladly do it,” he said.

Kaya naman nang magkasakit siya, tinutulu­ngan talaga siya ng Diyos. Mabilis siyang gumaling na ayon nga sa previous interview sa kanya ay himala ang nangyari sa kanya.

Sabi nga ‘share your blessings in whatever form they come and to whatever level you have been blessed’ – na ginagawa nga ng magaling na singer.

Bago ito ay ilang beses na siyang nag-concert at balak-ASAP Atin ‘To si Gary V after ng operation.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with