^

PSN Showbiz

Loisa parang end of the world ang pakiramdam nang dumanas ng problema kay Ronnie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa parang end of the world ang pakiramdam  nang dumanas ng problema kay Ronnie
Loisa & Ronnie

Katulad ng ibang magkasintahan ay dumaranas rin ng mga pagsubok ang relasyon nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Ayon kay Loisa ay matindi rin ang pi­nag­daanan niya noon sa nobyo. “Masakit talaga ‘yan. Kasi nagdaan din po talaga ako diyan. Kasi kahit hanggang ngayon ‘pag naaalala ko, parang ang sakit, ang sakit lang ng mga nangyari. Tama ‘yung sinasabi na parang end of the world na. Parang ayaw mo nang may bukas,” emosyonal na pahayag ni Loisa.

Kahit nakaranas ng problema noon ay tiniyak naman ng dalaga na maayos na maayos na ngayon ang kanilang relasyon ni Ronnie. “Okay na okay na kami ngayon, okay na okay na. Kumbaga naalala ko lang ‘yung mga napagdaanan namin. Dito rin ako naging close sa parents ko. Kasi first time kong mag-open up sa kanila. First time ko magsabi sa kanila ng gano’ng problema,” pagbabahagi ni Loisa sa Magandang Buhay.

Matatandaang na-bash ang aktres kamakailan ng netizens dahil sa isang video nila ni Ronnie na kanyang nai-post sa Instagram. Karga-karga kasi ng binata si Loisa sa nasabing video at sobrang sweet na naglalakad pasakay ng elevator at hanggang sa makababa ang dalawa ay karga pa rin ni Ronnie ang dalaga. Hindi naman binura ni Loisa ang nasabing Instagram post dahil normal lamang umano sa isang magkasintahan ang kanilang ginawa.

Edward ayaw sa online dating

Para kay Edward Barber ay delikado ang online dating dahil na rin sa ilang mga kwentong kanyang naririnig tungkol dito. May mga kaibigan ang baguhang aktor sa Germany na nakaranas na raw ng hindi maganda dahil sa pakikipag-date gamit ang internet. “Actually sa Germany maraming stories, mga bad experience. Medyo dangerous ‘yon if you’re not careful. The best thing, if you really want to do that, dapat may proof na totoo at sila talaga ‘yon. Pwede kayong mag-video chat para may proof talaga. Sa Germany kasi medyo matigas ulo ng mga kaibigan ko kaya nagkakagano’n sila. For fun lang,” kwento ni Edward.

Para sa binata ay marami pang ibang paraan upang makipagkilala sa isang tao maliban sa internet. “Pero sa tingin ko there’s no difference between chatting to someone on text or online sa social media. Parang excitement lang ‘yon so sa tingin ko, hindi naman kailangan. There are better ways to get to know someone,” pagtatapos ni Edward.

vuukle comment

LOISA ANDALIO

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with