^

PSN Showbiz

Aquaman bumisita!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Aquaman  bumisita!
Jason

SEEN: Perfectionist si Miss Universe Philippine Catriona Gray kaya dinamdam niya nang husto ang hindi pag-ilaw ng kanyang parol costume sa National Costume Show ng 67th Miss Universe na ginanap noong Lunes nang gabi sa Pattaya, Thailand.

SCENE: May duda na nagkaroon ng technical problem sa national costume ni Catriona Gray nang isakay ito sa eroplano mula Maynila hanggang Bangkok. Ang mahuhusay na parol maker sa Pampanga ang nagtulung-tulong sa pagbuo ng parol costume ni Catriona.

SCENE: Naririto sa Pilipinas si Jason Momoa, ang bida sa ­Aquaman para sa meet-and-greet at Asian pre­miere ng kan­yang pe­likula. Ngayon ang grand opening ng Aquaman sa cinemas nationwide.

SEEN: Lumilitaw ang pagiging lalake ni Miss Universe Spain Angela Ponce kapag nagsasa­lita siya. Si Ponce ang first transgender woman contestant sa Miss Universe.

SCENE: Motel Acacia ang pamagat ng pelikula na ginagawa nina JC Santos at Angel Aquino. Mga artista mula sa Australia, Malaysia, Thailand at Belgium ang co-stars nina JC at Angel sa Motel Acacia.

SEEN: Elevated horror ang intriguing description ng direktor na si Yam Laranas sa Aurora, ang horror movie na pinagbibidahan ni Anne Curtis at opisyal na kalahok sa 44th Metro Manila Film Festival.

SEEN: “Luhaan” sa Mrs. Universe 2018 ang Philippine delegate na si Beau Singson. Noong Lunes nang gabi ang coronation show ng Mrs. Universe sa isang events place sa Cebu City.

vuukle comment

JASON MOMOA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with