Misis ni JC selos na selos sa showbiz

JC at pamilya

SCENE: Naka-relate si Jericho Rosales sa karanasan ni Jessy Mendiola sa bashing dahil nagpahinga rin siya noon sa showbiz. Sobrang pagod ang sinabi ni Jericho na dahilan sa pagtalikod niya noon sa entertainment industry na nagbigay sa kanya ng fame at fortune.

SEEN: Si Jericho ang leading man ni Jessy sa The Girl in the Orange Dress. Nagpasalamat si Jessy kay Jericho dahil kasama ito sa mga tao na ipinaglaban siya para magbida sa filmfest movie nila.

SCENE: Buo ang paniniwala ni Eric Quizon na malaki ang tsansa ni Kim Chiu na manalo na best actress sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2018 dahil napakahusay ng aktres sa role nito sa One Great Love, ang official entry ng Regal Entertainment Inc.

SEEN: Si Eric Quizon ang direktor ng One Great Love at siya rin ang gumanap na mapagmahal na tatay ni Kim Chiu sa pelikula. Iginiit ni Eric na magkaiba ang talent fee niya bilang artista at direktor ng pelikula.

SCENE: May partisipasyon si Marlo Mortel sa One Great Love. Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang ina ni Marlo at habang tumatagal, tumitindi ang kanyang pangungulila sa nanay niya.

SEEN: Ang pag-amin ni JC de Vera may nararamdaman pa ring selos ang kanyang non-showbiz wife dahil hindi ito sanay sa propesyon niya. Civilly married na si JC at ang misis niya. Si JC ang co-star nina Dennis Trillo at Kim Chiu sa One Great Love.

Show comments