Liza at Enrique sa Amerika magpa-Pasko!

Liza at Enrique

Sa darating na kapaskuhan ay magkasamang magbabakasyon sa Amerika sina Liza Soberano at Enrique Gil. Matatandaang sa Europe naman nagbakasyon ang dalawa noong isang taon.

“This year as promised, sa hometown naman niya sa family side ni Liza. We’re gonna visit L.A., Lake Tahoe and we are gonna stay in Reno (Nevada). After Reno we’re gonna go the Disney World. She loves Disney so much, so pupunta kami ng Disney. After that my mom said we are gonna relax. So sa Hawaii ang last stop,” pagbabahagi ni Enrique.

Pagkatapos magbakasyon ay sisimulan na ang shooting ng bagong pelikulang pagtatambalan ng LizQuen. Si Antoinette Jadaone ang magdidirek ng bagong proyektong ito mula sa Black Sheep.

“It is our first time partnering with her and when they pitched to us our story, when they sent to me the story, I was like reading it sa dulo parang nabitin ako. So going to the pitching I was really eager to know what will happen sa story until the end. So it’s a nice story. It’s not a fairytale, totoo lang siya. So I think maraming makaka-relate,” kuwento ng aktor.

Ayon sa binata ay talagang naramdaman niya na kakaiba ang istilo ni direk Tonette sa trabaho nang una pa lamang silang magkausap. “She has her own style and that’s what she is known for and that’s what makes her movie a hit. When she pitched (the story), first thing she said not too fairytale, something totoo lang and that’s what catches as an actor, gusto ko totoo lang,” dagdag pa ng binata.

Beauty hindi kayang panoorin ang sarili sa TV at pelikula

Nakatakdang magbida si Beauty Gonzalez sa pelikulang Hilakbot na gagawin ni direk Joey Romero. Sa Dumaguete pa na home town ng aktres kukunan ang mga eksena para sa nasabing horror film. “Doon ako lumaki at pinanganak. Doon ako nag-aral ng college and high school excited akong bumalik. Medyo nahihiya ako na awkward. Siyempre nando’n lahat ‘yung mga barkada ko tapos umaarte ako, parang weird. Sana hindi sila dumalaw. Ayoko rin na panoorin nila ako. I don’t want anyone watching me and I don’t like watching myself. Hindi ako nanonood ng kahit anong pelikula ko. Kahit anong mga palabas ko sa TV, hindi ko pinapanood,” natatawang pahayag ni Beauty.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawa ang aktres na horror ang tema kaya siguradong mahihirapan siya sa trabaho ngayon.

“Malaking cha­llenge ito kasi cha­llenge talaga na takutin ‘yung mga tao na hindi sila matatawa sa akin. Kasi baka matawa sila kapag nagsalita na ako,” giit niya.

Hindi rin umano mahilig si Beauty na manood ng horror movies. “Ayoko ng horror. I mean I’ve seen before pero talagang nagtatago ako. Ang gusto ko happy lang or iyak, drama, pero why would I pay something to scare me,” paliwanag ni Beauty.

Show comments