Marian
Marian hindi magpapahinga sa pagbubuntis!
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2018 - 12:00am

Kahit malosyang

Trip to Disneyland ang request ni Zia Dantes para sa kanyang 3rd birthday sa November 23.

Kaya lilipad pa-Japan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera para i-celebrate ang kaarawan ni Zia sa Tokyo Disneyland.

First time pa lang pala ng bagets na mag-Disneyland kaya pagbibigyan daw nila.

Kuwento ni Marian sa launch ng Kultura x Marian Rivera, sa Cowrie Grill sa Podium; “Tinanong ko yung anak ko. Sabi ko, ‘anak ano bang gusto mo sa birthday mo? Gusto mo ba celebration na kasama yung classmates mo, yung mga kaibigan mo?

“Sabi niya, ‘no Mama, I just want to go to Disneyland.

“Sabi ko, ‘sure ka anak? Ayaw mo magsuot ng princess, tapos may party ka, may games. Sabi niya, ‘no Mama, I just want to go to Disneyland.

“Gusto niya makakita ng mga mascot na iba-ibang characters eh.”

Kaya sa Tokyo Disneyland sila mag-celebrate, pero hindi naman daw sila magtatagal dahil abala si Dingdong sa taping ng Cain at Abel.

Masaya si Marian nang nakatsikahan namin nung hapong iyun, dahil okay na raw ang pakiramdam niya, at nalagpasan na niya ang hirap nang paglilihi.

Ngayon ay abala siya sa mga endorsement niya, kagaya nitong Kultura na kung saan ini-launch ang Timeless Pearls na siya mismo ang nag-design. Mahilig kasi talaga si Marian sa mga alahas lalo na ang mga pearl kaya hinayaan siya ng Kultura na gumawa ng sarili niyang design, at affordable naman daw ang presyo.

Ang nakakaloka lang kay Marian, dala-dala pa niya ang pangalawang baby nila ni Dingdong, humihirit pa siya ng isa pa.

Gusto raw niya talagang masundan ng isa pa o kahit dalawa para masaya raw sila sa bahay. Kaya hiniling daw niya talaga sa Diyos itong baby na dinadala niya ngayon.

“Ideal kasi is three talaga. Pero kung mabigyan ng four, why not? Ang lungkot naman kung tatlo lang kami sa bahay o apat lang kami,” nakangiti niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung okay lang ba na malosyang siya sa sunud-sunod na pagbubuntis?

“Ano yun?” pakli niya.

“Term lang naman yan. Salita lang yan. Panlabas lang yan.

“Ang importante, ikaw mismo sa sarili mo na masaya ka. Aanhin naman na ang ganda-ganda mo, tapos empty naman yung puso mo di ba?

“Mas maganda na yung aura ka na, happy ka pa,” nakangiting pahayag ng GMA Primetime Queen.

LJ gumastos sa high tech device  para kumalma ang baby

Happy mother to be naman si LJ Reyes nang sandali naming nakatsikahan sa SM Megamall na kung saan nagpa-block screening siya ng pelikulang Through Night and Day nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.

Suporta niya iyun kay Paolo na dapat ay surprise raw niya pero nabuking naman dahil sa friends na naimbitahan ni LJ.

Naikuwento niya ang regular routine niya araw-araw para raw maging kalma ang baby na ipinagbubuntis niya.

Sabi ni Paolo, ang mahal daw nung binili na iyun ni LJ na parang mga tambol lang naman daw ang tunog. Sana raw siya na lang ang nagtambol at ipinarinig sa kanilang magiging baby.

Paliwanag ni LJ; “Ayoko lang sabihin yung brand, pero parang sa music na lesson for the baby na habang nasa tiyan pa lang, puwede mo nang iparinig.

“Ito, device siya na ikakabit mo lang sa belly, tapos you do it twice a day.

“Sabi nila, nagiging calm daw yung bata, paglabas dahil sa help nung music na yun. Gusto ko i-try ito, kasi every year may nag-i-improve sa technology na gusto ko lang i-try.”

Proud na proud si LJ kay Paolo dahil talagang pinuri siya rito sa Through Night ang Day. Maganda ang pelikula at inaasahang pi-pick up pa ito sa weekend. 

Cora ramdam na ang selfless love sa anak

Happy mommy to be rin si Cora Waddel na kahit four months preggy na siya, magiging active pa rin daw siya sa showbiz.

Mapapahinga lang daw siya sandali hanggang sa makapanganak siya, pero gusto raw niyang bumalik agad sa pag-aartista dahil kaya naman daw niyang balansehin ang responsibility ng isang mother at wife.

“Para sa akin may balance ‘yan. Importante sa akin na malaman ng anak ko, they are very important to me. “The most important thing in my life is my baby.

“Dapat paglaki niya, alam na alam niya yun para maramdaman niya yung selfless love ng ina,” paha­yag ni Cora sa presscon ng pelikula nila ni Christian Bables na Recipe for Love.

Bago raw siya magpahinga sandali para ma­nga­nak, gusto muna niyang mag-promote ng Recipe for Love na magsu-showing na sa November 21.

 

MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with