^

PSN Showbiz

Angel natatawa na lang sa ‘hiwalayan’ nila ni Neil!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angel natatawa  na lang sa �hiwalayan� nila ni Neil!
Angel

May bulung-bulungan na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kaya nagkahiwalay na diumano sina Angel Locsin at Neil Arce. Agad namang nilinaw ng aktres ang tungkol sa napabalitang hiwalayan nila ng kasintahan.

“Natatawa lang ako sa kanya kasi siguro hindi siya masyadong sanay na may gano’ng mga issue. Parang wala, wala akong reaction kasi hindi naman totoo, di ba?’ nakangiting pahayag ni Angel.

Kamakailan ay magkasama pang nagbakasyon si Neil at ang dalaga sa Amerika kasama ang ilang malalapit na kapamilya at mga kaibigan. “Iba rin ‘yung experience na ito kasi kasama ko ang best friend ko, ‘yung mga anak niya. So binisita lang talaga namin ‘yung mga mahal namin sa buhay,” kuwento ni Angel.

Pagkatapos ng nasabing bakasyon ay bumalik na ang aktres sa trabaho. Isa si Angel sa mga bida sa teleseryeng The General’s Daughter na malapit na rin mapanood sa Kapamilya network. Makakasama ng aktres sina Maricel Soriano, Eula Valdes, Ryza Cenon at Janice de Belen sa nasabing proyekto.

Kay Maine? Ria binukong  maligaya si Arjo

Nakaranas ng pamba-bash online si Arjo Atayde dahil madalas umanong nakikita ang aktor na kasama si Maine Mendoza. Apektado raw si Ria Atayde dahil sa masasakit na salitang ibinabato sa kanyang kapatid ng mga netizen.

“What I admire about my brother, sometimes ako, I’m more like, ‘Oh my God, I want to reply already,’ and he says, ‘You know what Ria, don’t mind them. We know the truth. We know what’s going on. We don’t have to give them that much.’ I have to be strong because I care so much. I always over think. I always over analyze. That’s why I’m always so affected. Him naman, he’s very carefree,” pagbabahagi ni Ria.

Kamakailan ay nakumpirmang nagkahiwalay na si Arjo at ang miyembro ng Girltrends na si Sammie Rimando. Pagkatapos nito ay napabalitang nagkakamabutihan na diumano ang aktor at si Maine. “I think he’s handling everything very well. He’s happy naman with everything. I guess that’s all I can say, he’s happy. He’s at a point where he’s happy and I’m really happy to see him happy. That’s all I can share, he will share someday. That’s for him. I keep telling him when he’s ready, he should be the one also,” makahulugang pahayag ni Ria.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with