Pagiging Spokesperson, joke joke lang...
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - November 14, 2018 - 12:00am

Big joke siguro iyon nag-trending na may nagsabi ako na lang spokesperson ni Papa Digong Mama Salve. Imagine mo, ako nagsasalita sa rostrum, bongga.

Siguro iyon mga kagagahan ko plus ‘yun pagi­ging joker kung minsan ni Papa Digong pag naghalo magi­ging malaking comedy noh, hah hah.

Straight-forward approach na kung minsan hindi ma-comprehend ng iba. Mga lengguahe na hindi acceptable sa iba pero common nang ginagamit sa conversation.

Kaloka siguro pag ganun tema ang naging pag-uusap lalo maloka ang iba.

Hah hah huwag n’yo seryosohin, pero salamat sa sinuman na nagbigay ng idea at least meron din pala nagugustuhan ang mga thoughts ko at ang way ko expressing myself.

Grateful po ako sa ‘pag follow n’yo sa akin sa Instagram (akosilolitsolis) at pagbabasa ninyo ng column ko dito sa PSN at PM (Pang Masa), grateful ako sa understanding and how you respect my side. Thank you.

Rachel nadala sa MTRCB ang pagiging friendly

One member ng cabinet ni Papa Digong na mahal na mahal ng taga-showbiz si Chairman Rachel Arenas ng MTRCB. Dating member ng congress si Mama Rachel kaya siguro ang people charm niya dala niya hanggang sa MTRCB.

Napakadali niyang lapitan, madali siyang hingan ng tulong ng mga producer, artista at press kaya ‘yung friendly gestures niya sa mga tao talagang appreciated ng lahat.

Tuwang-tuwa sila na isang very young at aggressive chairman is on the seat ng MTRCB. Birthday niya kahapon, at together with her friends nagbigay siya ng dinner to celebrate her happy day.

Happy birthday Mama Rachel Arenas, we love you and thankful for all your help.

Paolo puring-puri sa pelikula nila ni Alessandra

Sinuportahan ni LJ Reyes ang premiere night ng Through Night and Day noong Lunes sa SM Megamall Cinema at kasama niya si Mama Jean, ang nanay ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis.

Obvious na lalong minahal ni LJ ang tatay ng kanyang magiging anak dahil pinupuri ng lahat ang acting ni Paolo sa pelikula.

Walang nagsabi na hindi magaling si Paolo, pati na ang leading lady nito sa Through Night and Day na si Alessandra de Rossi.

Gandang-ganda si LJ sa pelikula at bilib na bilib siya sa performance ni Paolo at lahat ay saludo ang lahat sa acting niya sa pelikula nila ni Alessandra na joint project ng Viva Films at Octoarts Films.

Ngayon ang opening day sa cine­mas nationwide ng Through Night and Day.

Confident ako na pipilahan sa box office ang pelikula dahil mabilis na kumalat noong Lunes nang gabi na maganda ng project nila na kinunan sa Iceland ang mga eksena.

Hindi na ako nagulat sa mga papuri kay Paolo dahil talented actor naman talaga siya. Na-typecast lang siya na komedyante at kontrabida sa mga role na ibinibigay sa kanya sa TV at sa pelikula pero magaling talaga na aktor si Paolo, mapa-drama man o comedy ang project.

I’m sure na mapapansin ng madlang-bayan at ng film critics ang pinupuri na performance ni Paolo sa Through Night and Day.

Ang sabi nga ng mga nanood ng pelikula, “A new leading man is born” sa katauhan ni Paolo na matagal na sa entertainment industry pero ngayon lang nabigyan ng project na talagang sumubok sa kanyang galing bilang aktor.

Isa lang ang advice ng mga nanood ng Through Night and Day sa mga nagbabalak na panoorin ang pelikula, magdala ng panyo at tissue paper dahil tiyak na iiyak sila sa mga eksena na hindi trying hard ang pagpapaiyak sa audience.

RACHEL ARENAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with