^

PSN Showbiz

Pauleen at Vic gagawa ng baby sa Japan!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pauleen at Vic gagawa ng baby sa Japan!
Pauleen, Vic, at Tali

Masayang ipinagdiwang ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang 1st birthday ng baby nilang si Talitha Maria.

Swimming party ito na ginanap sa The Guest House sa tinutuluyan nila sa Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna.

Dumalo ang pamilya at mga Dabarkads dala-dala ang kanilang baby.

Sabi ni Pauleen, alam naman daw nilang ‘di pa ito maa-appreciate ni Baby Tali pero kailangan daw nilang magpa-party para may maipakita sila may maikuwento sila sa kanilang anak paglaki nito.

Ang isa nga sa aligaga sa first birthday party ni Baby Tali ay si Helen Gamboa. “Mahal na mahal niya si Tali,” bulalas ni Pauleen.

Co-host kasi si Pauleen sa Helen’s Kitchen ni Tita Helen na napapanood sa Colours at kapag nagti-taping sila, kailangan dala niya si Tali para matuwa ito.

Kahapon ay lumipad patungong Japan sina Vic at Pauleen para magbakasyon.

Silang dalawa lang na maaring honeymoon uli dahil gusto na raw talaga nilang sundan si Tali.

Sabi ni Pauleen, okay na raw siya kung makadalawang anak sila, pero minsan naaalala raw niya ang sabi ng Mommy niya na sana nag-anak daw sila ng marami kung alam lang nila na mapaagang magpakasal si Pauleen.

“Kasi dalawa lang kaming magkapatid di ba? Nung nag-asawa ako, parang nanibago sina Mommy na nabawasan sila ng kasama sa bahay.

“Sabi nga niya sa akin, ‘sana nag-anak ako nang nag-anak para di ako gaanong nalungkot nung nag-asawa ka,” kuwento sa amin ni Pauleen.

Kaya iyun daw ang iniisip niya lagi na mas okay daw yata kung maraming anak, para ‘di gaanong malungkot kung meron na siyang anak na mag-asawa at humiwalay na sa kanila.

Lani nahahabaan sa paghihintay ng verdict kay Bong

Isa sa balitang ibinahagi ni Mayor Lani Mercado-Revilla sa flag-raising ceremony sa Bacoor kahapon ay ibababa na raw ang verdict sa kasong Plunder na kinakaharap ngayon ng dating Sen. Bong Revilla Jr.

Nung nakaraang linggo daw nila natanggap ang sulat mula sa Sandiganbayan na sa December 7 daw ay babasahan na ng sentensya si Sen. Bong sa kasong iyon.

Kaya humihingi ng tulong si Mayor Lani na sana raw tulu­ngan sila sa pagdarasal na ma­ging positibo sa panig ng kanyang asawa ang ibababang hatol.

“Lahat talaga kami ay nananalangin kasi ilang araw na lang yun…less than one month ang paghihintay. Pero ito na yata ang pinakamahabang isang buwan o lesser than one month para sa amin.”

Hindi maiwasang makaram­dam ng pangamba si Sen. Bong, pero parang nakahinga na rin daw nang maluwag dahil finally, darating na rin ang araw na matatapos na ang kaso niya.

“Hindi mo kasi alam ang feeling eh. Gusto mo na matapos ang lahat ng ito kasi it has been too long.

“Masyado nang mahaba ang paghihintay ni Sen. Bong, ng aming pamilya.

“Sabi nga niya, ito yung pinakamahabang paghihintay.

“We want to remain positive. We want to remain hopeful.

“Sabi nga ng mga Christian friends natin, claim it in Jesus name. So, we are claiming it that there is a positive decision on behalf of Sen. Bong,” sabi pa ni Mayor Lani.

Masaya naman si Mayor Lani ng Bacoor nang nakausap namin kahapon dahil doon na iginawad sa kanya ng DILG ang Seal of Good Governance na apat na taon nang iginagawad sa kanila.

vuukle comment

VIC SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with