Pagbabago ng ASAP wala nang atrasan

Wala nang atrasan ang pagpasok ni Regine Velasquez sa ASAP. At kasabay nito ang pagre-reformat ng Sunday musical show ng ABS-CBN.

Yup magiging main attraction na raw ng Sunday musical show sina Regine, Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Martin Nievera and Gary Valenciano. Ang iba raw ay magkakaroon na lang ng kanya-kanyang segment at hindi naman totally matsutsugi.

ABS-CBN TV Studio Experience Program, nakasungkit ng Asia Pacific Quill Award

Kinilala na naman ang ABS-CBN Wow at Saya TV studio experience program na layuning bigyan ng mala-red carpet treatment ang viewers na nanonood ng Kapamilya shows ng live sa TV studios, ng prestihiyosong Silver Quill Award mula sa International Association of Business Communicators (IABC) Asia Pacific sa Melbourne, Australia.

Nagsisimula ang Wow at Saya experience ng studio audience members sa pag-book nila ng slots online sa Kapamilya Tickets (ktx.abs-cbn.com). Kapag nakakuha na ng slots at nakapili ng schedule, pinangungunahan ng Studio Tour guides ang mainit na pagtanggap sa studio audience members para maging masaya ang kanilang pagbisita sa ABS-CBN.

Ito ang pangalawang international award ng ABS-CBN Wow at Saya pagkatapos nitong masungkit ang isang Gold Quill Award of Excellence sa International Association of Business Communicators (IABC) Gold Quill Awards noong Hunyo sa Montreal, Canada. Noong 2017, nanalo rin ang Wow at Saya sa customer relations category ng Philippine Quill Awards na kumikilala sa pinakamahusay na business communications programs at campaigns sa bansa.

Show comments