^

PSN Showbiz

Korina nadenggoy din ni Mader Sitang!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Korina nadenggoy din ni Mader Sitang!
Korina at Mader Sitang

Lumabas ang katotohanan na manlilinlang ang kiyeme-kiyemeng social media sensation na si Mader Sitang, ang Thai na bumisita sa Pilipinas noong nakaraang buwan at binigyan ng VIP treatment at grand welcome ng mga Pilipino.

Lawyer na philantorphist ang maingay noon na pralala tungkol kay Sitang dahil tumulong daw ito sa mga biktima ni Typhoon Yolanda pero nag-deny na ang Pinoy businessman na nagdala sa kanya sa Pilipinas.

Drawing lang ang pralala na abogado ang hindi naman nakakatawa na Thai transwoman at lalong hindi siya matulungin na tao, lalo sa mga Pilipino.

Noon pa man, marami na ang may duda na hindi totoo na social media sensation si Sitang dahil hindi siya kilala ng mga Thai na tinanong ng isang Pinoy reporter.

Never heard ng kanyang mga kababayan si Sitang na pinatulan at pinasikat ng mga Pinoy dahil umapir pa siya sa show ni Korina Sanchez.

Ano kaya ang magiging pakiramdam ni Mama Koring kapag nalaman nito na fake lawyer si Sitang at nagamit pa ang programa niya sa pagkakalat ng kasinungalingan ng Thai transwoman?

Ang guesting sa Rated K ang isa sa mga ipinagmamalaki ni Sitang at ginagamit nito na ebidensya na big star siya sa Pilipinas.

Well, nagkamali ng niloko si Sitang dahil hindi pinalampas ng mga Pinoy ang mga kagagahan niya. Kaliwa’t-kanan ang mga batikos sa kanya mula nang ibulgar ng Pinoy businessman ang mga kalokohan at pagiging mukhang datung niya.

May panawagan nga na ideklara na persona non grata sa Pilipinas si Sitang na binigyan din ng ilusyon na gagawa ng pelikula kasama si Vice Ganda.

Sophie at Vin, never nag-dyowa ng iba nang maghiwalay

Inamin ni Sophie Albert na nagkahiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Vin Abrenica pero nagkabalikan din dahil sa realization na love nila ang isa’t isa.

Nang maghiwalay ang dalawa, never na nagkaroon sina Sophie at Vin ng ibang mga karelasyon kaya madali sa kanila ang mag-reconcile.

Walang third party na sangkot sa break up nina Sophie at Vin na hindi naman nagtagal. Nagkataon lang talaga na nawalan sila ng oras para sa isa’t-isa dahil ang mga showbiz career ang pinagtuunan nila ng panahon at atensyon.

Nagkuwento si Sophie tungkol sa love story nila ni Vin sa presscon ng Recipe for Love, ang pelikula niya sa Regal Entertainment Inc. na tinatampukan nina Christian Bables at Cora Waddell.

Ano kayang sey ni Kiko? Kuya ni Sharon, inendorso ni Sara

Overwhelmed si Sharon Cuneta dahil sa endorsement ni Davao City Mayor Sara Duterte sa mayoral bid ng kanyang Kuya Cesar “Chet” Cuneta.

Suportado ni Sharon ang pagtakbo ni Chet bilang mayor ng Pasay City sa eleksyon sa May 2019 at malaking bagay sa kanya ang endorsement ng presidential daughter sa kandidatura ng kapatid niya.

“Magandang araw po sa lahat ng mga kaibigan namin sa Pasay. Si Chet Cuneta po ang tunay na mayor natin sa Pasay City,” ang short but sweet endorsement ni Inday Sara sa candidacy ng anak ng nasirang alkalde ng Pasay City na si Mayor Pablo Cuneta.

Public knowledge na very fond si Sharon kay President Rodrigo Duterte at minsan na silang nagkita nang personal ng pangulo sa isang dinner sa Malacañang Palace noong March 2018.

Kritiko ni Papa Digong ang mister ni Sharon na si Senator Kiko Pangilinan kaya marami ang naiintriga sa reaksyon ng huli sa friendship at fondness ng asawa niya sa pamilya ng mga Duterte.

vuukle comment

MADER SITANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with