Christian
Christian at GF na mas matanda ng 13 years nagkabalikan
SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2018 - 12:00am

Nagkabalikan na pala sina Christian Bables at ang non-showbiz girlfriend niya.

Nabuking namin ito sa aktor nang nakatsikahan namin sa nakaraang presscon niya ng Recipe for Love ng Regal Entertainment, Inc.

Tinanong kasi namin kung ano sa tingin nila ang tamang recipe para sa isang magandang pag-iibigan.

Sabi ni Christian; “Sa akin ano yan eh…right amount of time, respect, acceptance and love. Kasi magkulang o sumobra alin man sa mga yun wala ng ano eh…hindi na magiging ayos.”

Sinundan namin ng tanong kung committed ba siya ngayon sa isang special someone.

Parang naalangan siyang sumagot ng “Oo” dahil mas gusto raw sana nilang tahimik na lang ang kanilang relasyon dahil non-showbiz naman itong girl.

“Siya pa rin yung dati, nagbalikan lang kami.

“Kasi mas naintindihan naman niya yung trabaho ko ngayon,” tipid niyang sagot nang tinanong namin tungkol sa kanilang pagbabalikan.

Sa mga nakaraang interviews ni Christian, inamin niya noon na ang huling girlfriend niya ay mas matanda ng 13 years sa kanya.

Pagkatapos nilang maghiwalay, ayaw na raw muna niyang pumasok sa panibagong relasyon.

Iyun pala nagkabalikan sila.

Isasama kaya niya ito sa premiere night ng pelikula nilang Recipe for Love na magsu-showing na sa November 21?

 Jay R at Mica sa 2020

Wala pa palang nakaplanong kasalan sina Jay R at ng long-time girlfriend niyang si Mica Javier.

Sabi ni Mica, definitely hindi raw next year dahil mauuna raw Ikasal ang brother niya. Naniniwala rin sila sa pamahiin ng sukob, kaya baka after two years pa raw nila planuhin ang kasal.

“Baka mga  2020 siguro, maganda rin yung solid number you know, mga ganun,” pakli ni Jay R nang nakatsikahan namin sa surprise birthday party kay Jolina Magdangal sa Cove Manila nung nakaraang Miyerkules, November 7.

Pero kung sakaling maayos na raw nila ang kasal, simple lang daw ito na dadaluhan ng kanilang imme­diate family.

“Ayaw namin ng pabonggahan ganun. We’re very simple people lang,” dagdag na pahayag ng King of R&B.

Pero ngayon lang daw ito na-experience ni Mica na iba raw pala talaga kapag may nag-propose na sa ‘yo.

Doon na rin namin nilinaw sa magpakasintahan ang isyu ni Mica kay Zeus Collins na kung saan nagkaroon daw ng confrontation sa nakaraang ABS-CBN Ball, dahil sa insidenteng nasundot ni Zeus ang bandang likuran ni Mica sa isang dance number nila sa It’s Showtime.

Wala naman daw gulo at naayos nila iyon dahil nag-sorry naman daw si Zeus pagkatapos ng naturang insidente.

Nagkalinawan daw nang magkita sila sa ABS-CBN Ball, na hindi naman daw umabot sa sigawan at hamunan ng suntukan.

Sabi ni Jay R; “Ayos na yun. It’s all good. Everything has been said, everything as been communicated na, kaya okay na.

“You know, it is what it is. Pero everything’s okay na. Nag-communicate na.”

Paolo hindi nakita ang sarili na leading man

Nagsimulang mag-artista si Paolo Contis nung four o five years old pa lang siya, pero wala pa pala siyang nagawang pelikula na siya ang leading man.

Ilang beses din siyang nagbida sa pelikula, pero nasa grupo siya at wala siya yung ka-loveteam talaga na nagbida sa isang pelikula.

Kasunod nun ay mga kontrabida roles na ginagawa niya.

“Ang aga ko kasi nagsimula eh, siguro 4 o 5. Hindi na kasi pumasok sa utak ko na maging matinee idol, kasi sa akin work work na lang talaga,” pakli ng Kapuso actor.

Mabuti at siya nga ang napiling i-partner kay Alessandra de Rossi sa pelikulang Through Night and Day ng Viva Films na magsu-showing na sa November 14.

“Ang tawag nga diyan li-leading manin na ako,’ hirit ni Paolo.

Natatawa niyang kuwento; “Tawang-tawa ako sa Bubble Gang nung isang araw.

“Dapat mag-pekpek shorts ako, ay sabi ko ‘direk, hindi na pala puwede. Leading man na ako eh. Meron na akong image ngayon.”

Pero sa totoo lang sabi ni Paolo, hindi raw niya nakita ang sariling maging matinee idol na leading man ang dating na may ka-loveteam.

CHRISTIAN BABLES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with