^

PSN Showbiz

Coco bilib na bilib sa dasal!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Coco bilib na bilib sa dasal!
Coco

Hindi talaga matatawaran ang popularidad ni Coco Martin, Mama Salve.

Kaloka na pati si Bishop Soc Villegas ay nano­nood ng Ang Probinsyano at tinatanong na kung ano ang magiging ending ng series.

Si Marissa Andaya ng CamSur over din ang paghanga kay Coco na talagang naki-usap siya na pag pumunta siya sa Manila samahan ko siya sa taping ni Coco para magkapag-pictorial.

Hindi ko malilimutan na naging napakabait nila Coco at Biboy Arboleda sa akin at feeling na belong na belong ako sa circle ni Coco para padalhan niya ako ng entertaintment showcase.

Bihira ang tulad ni Coco na hindi nagbago, simple pa rin at napakagalang sa tao. Hindi nga kataka-taka na ituring siyang idolo ng mga nakakasama niya sa trabaho. At tama ang mga fans niya na pati lovelife sina-sacrifice niya for his dreams. Para ring si Alden Richards, saka na muna ang pag-ibig pag lahat ng pangarap natupad na, stable na.

Si Coco ay isang artista na naniwala sa dasal, na pag nagdasal ka ibibigay ang hihingin mo at ayan kita ang ebidensiya, Coco Martin, nasa itaas pero nakatungtong sa lupa ang mga paa. Salute Coco.

Long sasabak sa Bicol kahit taga-Bulacan

Nagtataka naman ako sa balitang kandidato si Long Mejia bilang congressman o governor yata ng CamSur. Nagtataka ako dahil ‘di ba last election tumakbo siya sa Bulacan? Bakit ngayon, CamSur naman? Hindi ba alam ni Long Mejia na usually iyon mga taga-probinsiya possesive sa kandidato nila? Ang gusto nila isa sa kanila ang mag-represent sa bayan nila. Iyon alam dialect nila, totoo na ang puso ay nasa kanila.

Tingnan mo si Richard Gomez, talagang nag-stay sa Ormoc, nag-sacrifice ng trabaho sa showbiz para ipakita na ang puso niya ay nasa Ormoc. Ang husay nang magsalita, at pag kausap ng mga taga-Ormoc hindi mo iisipin na sa Maynila lumaki.

Alam na ba ni Long Mejia na mag-Bikolano? Alam na ba niya lahat ng sulok CamSur? Balita ko kalaban niya si Marissa Andaya na lehitimong taga-Camsur. Dun talaga nakatira. Asawa ni Cong. Nonoy Andaya, matagal na haligi ng CamSur.

Well, everybody can dream, pero sabi nga para ‘di masyadong masakit, dapat ang pangarap mo iyon talagang maaabot mo.

Sana nga, tulad ng pagtanggap ng mga taga-CamSur sa anak nila na si Marissa Andaya, tanggapin din nila si Long Mejia kahit na taga-Bulacan ito. Sana this time marunong na siya mag-Bikolano heh heh.

Actor dinadawit sa commercial model na nadakip ng NBI

How true na afraid ang celebrity friends ng commercial model na si Zuher Bautista na  nahulihan ng NBI ng illegal drugs dahil baka madamay sila sa problema?  Puwedeng hindi pamilyar ang name ni Zuher pero sikat siya na commercial model dahil sa rami ng mga TV ad niya. Si Zuher ang kasama ni Marian Rivera sa television commercial ng isang brand ng kape.

Anyway, kung hindi guilty at talagang drug free ang mga artista, walang dahilan para matakot sila. Kung nagsasabi naman ng totoo ang commercial model na hindi ito gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at naghamon pa siya ng drug test, may korte naman na puwedeng humusga sa kaso na isinampa laban sa kanya ng arresting officers ng NBI.

‘Yun nga lang, hindi maiwasan na mabanggit ang name ng isang male actor sa drug case na kinasasangkutan ng commercial model dahil nakalkal uli ang isyu tungkol sa special friendship nila.

Unfair na makaladkad ang name ng male actor dahil nananahimik ito as in umiiwas siya sa mga kontobersya bilang respeto sa kanyang pamilya na super disente.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with