Tony at Angel
Lea, nagandahan sa mga naglalagablab na eksena nina Angel at Tony
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 6, 2018 - 12:00am

Grabe ang lakas ng dating ng trailer ng mga naglalagablab na eksena nina Angel Aquino at Tony Labrusca sa Glorious. At kasing init nito ang naging pagtanggap at reaksyon ng netizens sa full trailer ng original movie na ekslusibong mapapanood ngayong buwan sa iWant, ang bagong streaming service ng ABS-CBN.

Isang araw matapos itong ilabas online, tumabo na ng higit sa anim na milyong views ang trailer ng pelikulang ipinrodus ng Dreamscape Digital tungkol sa 52 taong gulang na babaeng si Glory (Angel) na mahuhulog ang loob sa lalaking 30 taon ang agwat sa kanya – si Niko (Tony). Dahil sa pagmamahal sa isa’t isa, pipiliting panindigan ng dalawa ang kanilang relasyon sa kabila ng panghuhusga ng mga tao sa kanila.

Tampok ang mapupusok na eksena ng mga bida nito, naging viral ang trailer at nag-trend din sa Twitter ang parehong mga pangalan nina Angel at Tony. Umani rin ito ng masisigasig na reaksyon mula sa netizens at celebrities, kabilang na ang Broadway diva na si Lea Salonga.

Ani Lea sa Facebook post niya, “So, I just saw the sexiest movie trailer I’ve seen in a long time (it’s reached over 1M views in the last 3 hours, so far). But, beyond the love scenes its protagonists do, allow it to begin a conversation about seeing older women and younger men on screen. Given how utterly beautiful both Angel Aquino and Tony Labrusca are, I am all for it, and wish for their movie Glorious to be a massive hit.”

Ang Glorious ay isinulat at idinirek ni Concepcion Macatuno at ipinrodus naman ng Dreamscape Digital. Ekslusibo itong mapapanood sa bagong iWant, sa pamamagitan ng iOS o Android app simula ngayong Nob­yembre 17, 2018.

Iba rin kasi talaga. Nagbabaga at parang relatable. Hahaha. Super hot pero hindi malaswa ang dating.

Sa trailer pa lang, lutang na ang hotness nina Angel at Tony na mas bagay sa ganitong role kesa sa napanood kung pelikula niyang ML (Martial Law) kung saan gumanap siyang tortured victim ni Eddie Garcia.

Akala ng marami ay pelikula ito at magkakaroon ng commercial exhibition. Well, sana nga mapanood din sa mga sinehan.

Fans ni Maine natameme sa ‘relasyon’ nila ni Arjo

Walang masabi ang fans ni Maine Mendoza sa isyung sumunod ito sa Bali, Indonesia para sa birthday ng nababalitang boyfriend daw nito na si Arjo  Atayde.

Kung tutuusin, wala naman kasing masama bilang pareho silang walang asawa.

Ilang beses nang spotted na nagdi-date ang dalawa.

Nagsimula ang ‘friendship’ nila sa shooting ng movie ni Coco Martin na Puliscredibles kung saan parehong kasama sina Maine and Arjo.

Or malay naman natin, ‘friends’ lang talaga sila.

ANGEL AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with