Ate Vi may pa-birthday na nakakapanindig balahibo, mga sinehan hindi tinatao
Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - November 4, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wow mapapanood uli ang kwento ng pag-ibig nina Vilma Santos, Christopher De Leon, at Rio Locsin na nababalot ng kababalaghan sa pelikulang  Haplos, ngayong Linggo, Nobyembre 4, sa Sunday’s Best  ng ABS-CBN.

Tatlumpu’t anim na taon matapos ito unang mapanood, magpapataas ulit ng balahibo ang Haplos, isang araw matapos ang birthday ng isa sa mga bida nito, ang Star for All Seasons na si Vilma na nag-birthday kahapon.

Tampok sa pelikula ang kakaibang love triangle, kung saan kailangang mamili ni Al (Christopher) sa pagitan ng kababatang si Cristy (Vilma) at ng misteryosang si Auring (Rio).

Anyway, ang birthday ni Ate Vi ang pinagkaabalahan ng ibang social media users kahapon dahil nga wala pang masyadong ganap sa paligid. Nasa bakasyon pa ang karamihan at tamad-tamaran mode pa.

Actually kahit sa mga mall at mga supermarket, matumal din ang pasok ng mga tao.

Kahit ang mga sineng palabas hindi rin masyadong tinatao.

Nanood ng To Love Some Buddy ang kasama namin sa bahay nung isang araw, kuwento niya, iilan lang sila sa sinehan. As in wala siyang katabi. At halos bilang na bilang niya ang tao sa loob ng sinehan.

Samantalang sa isang malaking mall ‘yun na karaniwang dinagsa ng tao.

Starring sa To Love Some Buddy sina Zanjoe Marudo and Maja Salvador at maganda ang pelikula ha. Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Ngayong araw pa siguradong mag-uuwian ang marami mula sa bakasyon.

Or baka rin naman nag-iipon na ang fans para sa Pasko kung saan usap-usapang magaganda ang walong kalahok sa MMFF.

ATE VI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with