Marlo walang malay sa nangyari kina Elmo at Janella

Marlo

Malapit na kaibigan ang turing ni Marlo Mortel kina Janella Salvador at Elmo Magalona. Ayon kay Marlo ay nagulat siya sa napabalitang pananakit diumano ni Elmo sa dalaga kamakailan. “Actually magkakilala kasi kami, good friends naman kami. Nando’n sila ni Janella no’ng wake ng mom ko. Nag-pray pa nga kami together. So hindi ko alam kung ano ‘yung mga nangyari. Wala akong idea, hindi ko naman po alam kung ano ‘yung totoong pangyayari. So hindi ko masabi,” pahayag ni Marlo.

Samantala, napapanood ang binata sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Para kay Marlo ay ibang-iba ang karanasan niya sa nasabing serye kumpara sa kanyang mga nagawa noon. “No’ng first taping day namin, walang sinabi sa amin kung hindi millennial kami. Hindi nga namin alam ni Sue (Ramirez) na magka-love team pala kami. Tapos pagdating namin sa set, hindi pa tapos isulat ni Kuya Coco (Martin) ‘yung linya. Tapos pagkasulat, sinabi lang sa amin, ‘O Sue ito ‘yung line mo.’ So parang no’ng una na-shock ako kasi hindi ko pa naaaral kasi dini-dictate lang. Parang paano ba ito, kaya medyo nate-tense ako no’ng una. Pero no’ng nagtagal na, na-realize ko na, ‘Ah ganito pala ang tactic niya. Kasi para siyempre fresh ‘yung idea. Then ‘yung as an actor, fresh din ‘yung maibibigay namin. Kasi hindi masyadong aral. Kailangan lang super prepared ka,” pagbabahagi ni Marlo.

JM gusto nang kalimutan ang nangyari sa kanila ni Jessy

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay nakahanda na raw makatrabaho ni JM de Guzman ang dating kasintahan na si Jessy Mendiola. “Okay lang sa akin kung ini-offer po ng management sa amin. Kung maganda ‘yung istorya, nagustuhan naming pareho, mag-agree din ‘yung side niya, eh wala pong problema sa akin,” nakangiting bungad ni JM.

Para sa aktor ay dapat nang kalimutan ang kanilang nakaraan ni Jessy at mag-move on na sa kung ano man ang naging problema sa relasyon nila noon.

Ngayon ay si Luis Manzano na ang kasintahan ni Jessy at malaki umano ang respeto ni JM sa TV host. Madalas ding nagpapansinan sina Luis at JM sa tuwing nagkikita sa ASAP ang dalawa. “He’s my fraternity brother. So sa ASAP, every time na magkita kami, nag-uusap kami,” kuwento pa ni JM.

Show comments