^

PSN Showbiz

Yam pinagdiinang loyal sa dyowa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yam pinagdiinang loyal sa dyowa
Yam

Maraming mga negatibong komento ang natatanggap ngayon ni Yam Concepcion dahil sa karakter ng aktres bilang si Jade sa teleseryeng Halik.

Kasamahang bida ni Yam sa nasabing proyekto sina Jericho Rosales, Yen Santos at Sam Milby. “Mga ano, ‘Malandi ka.’ Minsan nga ‘yung iba pinipersonal pa eh. Actually ngayon lahat pinapansin na, pati ‘yung takbo, ‘Ano ba ‘yang takbo ni Jade, parang lalaki?’ Tapos, ‘yung butas ng ilong ‘pag umiiyak, lahat na,” natatawang kwento ni Yam. “It’s nice kasi minsan sasabihin nila, ‘I hate you Jade, but I love you, Yam.’ So bumawi naman,” dagdag ng aktres.

Hindi inakala ni Yam na tatanggapin ng mga manonood ang kanyang karakter sa serye. Natutuwa ang dalaga sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang programa. “Hindi ko naman ini-expect na gano’n ‘yung reception na matatanggap namin sa show with Jade especially. Nakaka-flatter kasi talagang parati kaming puyat, pinaghihirapan namin talaga. Inaaral ko rin naman talaga ‘yung karakter ko. It’s nice that people appreciate it,” nakangiting pahayag ng aktres.

Ayon kay Yam ay malayung-malayo naman sa totoong buhay ang kanyang karakter sa serye. Apat na taon na ang relasyon ni Yam at ng kanyang non-showbiz boyfriend na nakabase sa ibang bansa. “Malayung-malayo sobra. I’m very loyal of course to my boyfriend, na ‘yung moral compass ko, maayos. I’d rather pick the right choices in life,” giit ni Yam.

Carlo magko-concert na rin!

Pumatok sa takilya ang pelikulang Exes Baggage na pinagbidahan nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino. Masayang-masaya ang aktor dahil muli siyang nabigyan ng pagkakataon na maging aktibo sa industriya. Malaki ang pasasalamat ni Carlo sa producer ng nasabing pelikula dahil sa pagtitiwala sa kanya. “Oo naman, oo naman siyempre. Hindi lang si Angge (palayaw ni Angelica) ‘yon. Hindi ako matatapos dahil kaya ako nandito kasi dahil sa kanila ‘yon,” bungad ni Carlo.

Pinaghahandaan naman ngayon ng aktor ang pagiging recor­ding artist. Hilig na raw noon pa man ni Carlo ang pagkanta at ang musika. “Isa rin talaga sa passion ko is ‘yung singing. Parte ng buhay ko talaga ang musika. Meron akong gagawin sa Ivory Music, nauna silang nag-offer, nakipag-usap sa akin. Baka mag-single muna ako. Ita-try ko muna mag-single,” pagbabahagi ng aktor.

Abala ngayon si Carlo sa paghahanda para sa kanilang Matteo X Carlo concert ni Matteo Guidicelli. Gaganapin ito sa Music Museum sa November 17. “Oh di ba magko-concert na rin ako. Seriously gusto ko rin talagang mag-perform at kumanta. Bata pa lang ako, hilig ko na talaga ‘yon. Nawala lang no’ng nag-concentrate ako sa acting pero gusto ko rin talagang balikan ‘yon, ‘yung kumanta at mag-perform,” pagtatapos ni Carlo.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with