Mga papasok na turista sa Bora hanggang 6k lang!

Ang laki talaga nang ipinagbago ng Boracay pagkatapos itong i-rehabilitate ng anim na buwan.

Pero sabi nga ni DPWH Secretary Mark Villar, 80 percent ng first phase pa lang talaga ang masasabing ayos na ayos. Sa December daw ay maayos na raw lahat, kaya handang-handa na sila pagdating ng summer next year na kung saan iyun talaga ang pinaka-peak season.

Sabi ng mga taga-DOT na pinamumunuan ni Sec. Berna Romulo-Puyat, ipapatupad daw talaga nila na 6,405 katao lang ang allowed na pumasok sa natu­rang isla araw-araw, dahil 19, 215 lang daw ang capacity ng naturang isla.

Sana ma-maintain nila yan dahil iyun talaga ang gusto ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Hindi nga lang daw ang Boracay ang balak niyang i-rehabilitate, pati raw ang ibang tourist spots.

Proud nga si Sec. Mark Villar sa nagawa ng DPWH sa Boracay dahil natupad daw nila ang malaking pagbabago lalo na sa mga ipinagawang kalye na dadaanan ng mga tao.

“Nakakatuwa kasi parang part na rin ako nang pag-ayos nito, na puwede kong ikuwento sa paglaki ng anak ko pati sa magiging apo ko.

“Ikukuwento ko sa kanila na dati hindi ganyan, inayos lang naman,” natutuwang pahayag ni Sec. Villar.

Dapat na ma-maintain daw talaga na ganun kaayos ang Boracay dahil consistent ang monitoring nito dahil seryoso ang pangulo na mapanatiling maayos at malinis ang naturang lugar.

“Kailangan talaga sumunod sa mga regulations. Ayaw na ni presidente na may mga hindi sumusunod.

“Sinasabi na namin ngayon na basta may regulations, no exemptions.

“Feeling ko magiging symbolic din yung Boracay na may political will lang, kasi kung gugustuhin mo talaga kaya naman eh,” saad ng DPWH Secretary Mark Villar.

Cristine obvious na hiwalay na talaga sa asawa

Ilan sa mga celebrities na dumalo sa opening nito ay sina Cristine Reyes, Rufa Mae Quinto, Coleen Garcia at Rafael Rossel.

Namataan din namin doon si Erik Santos pero nagbakasyon lang daw siya roon.

Kasama ni Cristine ang anak niyang si Amarah, at obvious talagang hiwalay na sila ng asawa niyang si Ali Kathibi dahil hindi na niya ito kasama.

Si Rufa Mae naman ay dala rin ang anak niyang si Athena, pero wala rin ang asawa dahil nasa Amerika raw ito nakabase.

Balak nga raw nilang mag-ina na magbakasyon ng Amerika para makasama nila ang asawa nitong si Trevor Magallanes.

Pinag-iisipan na raw nilang sundan ang kanilang anak, at sana boy daw ito.

Pinagtawanan na lang ni Rufa Mae ang nag-viral na tweet ni Ethel Booba na kung saan pinatutsadahan nito ang isyu nina Dareen Espanto at JK Labajo.

Nadamay pa kasi si Rufa Mae sa tweet ni Ethel na pinaglaruan ang dalawang young singers.

Sabi lang ni Rufa Mae; “Actually, tawang-tawa sila.

“Ako, hindi ko naintindihan. Kasi nag-viral na yun di ba?

“Sinabi naman niya sa akin, sabi niya, ‘joke lang yun ganun ganun. Ti-nag kita.

“Sabi ko, ‘okay lang yun LOL. Basta pag kami namang dalawa nagsasabihan, huwag sila masyadong naniniwala kasi gaguhan lang yun. Joke nga eh,” natatawang pahayag ni Rufa Mae.

Show comments