Direk Paul, Seve at Toni
Toni at Direk Paul, sa Amerika na titira?!
SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - October 26, 2018 - 12:00am

May posibilidad palang hilingin ni direk Paul Soriano na samahan siya ng asawang si Toni Gonzaga kapag nagpasya itong manirahan na lamang at dun na magtrabaho sa LA, California, USA.

Marami ang siguradong tututol dito dahil maganda pareho ang karera ng mag-asawa dito. Isang napakalaking hit ang First Love ni direk Paul, nagbabadya ito ng marami pang kasunod na proyekto. Maganda rin ang trabaho ni Toni, hindi lamang bilang artista kundi bilang TV host din. Magsisimula na rin ang bagong season ng Pinoy Big Brother.

Wala pa namang kasiguruhan sa planong ito ng direktor na ang gusto lamang ay mapalaki sa isang naiibang environment ang kanilang panganay ni Toni na si Seve. Balak nila ni Toni na magkaroon ng isa pang anak.

Pagdidirek ang passion ng guwapong direktor na ang ama ay isang dating sikat na artista nung nabubuhay pa ito. May mga alok din  na mag-artista ang  mister ni Toni. “I was uncomfortable to take the risk because of my Tagalog,” anang direktor na gumagawa ng pelikula para sa sarili niyang kasiyahan at hindi para sa manonood.

Janella tinutulungan din ng tatay para maka-recover

Kundi pa marahil nagkakaroon ng iba ibang interpretasyon ang diu­mano’y pananakit ni Elmo Magalona sa kanya ay baka hindi pa naisipang bigyan linaw ni Janella Salvador ang isyu. Hindi lamang pala miminsan na­saktan ni Elmo ang ka-loveteam, dalawang beses na at sa dalawang okasyon ay parehong nakainom daw ito.

Sa pangalawang ulit nagawa pa siyang sampalin ni Janella. Parehong kumukunsulta ngayon sa psychiatrist ang dalawa. Nakikialam na rin sa pangyayari ang ama ni Janella at kapatid nito dahil mukhang hindi kakayanin ng ina ni Janella na ipagtanggol ang anak nang nag-iisa.

PAUL SORIANO TONI GONZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with