Magandang aktres nagpagalaw ng ilong
Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Gusto tuloy naming makita ang magandang aktres na maganda na nga, nagpaayos pa ng ilong. Mas gumanda raw ang aktres, kaya lang, halata masyado na nagpayos siya ng ilong dahil naiba ang korte nito.

Walang maisip na ibang rason ang mga nakakita sa aktres with her new nose kung bakit niya pa ito ipinagalaw. Baka gusto raw nitong saba­yan ang tangos ng ilong ng boyfriend niyang banyaga.

Baka raw na-insecure ang aktres sa tangos ng ilong ng BF, samantalang ang ilong niya, hindi ganun. Pero, hindi man masyadong mata­ngos ang ilong ng aktres, bagay naman sa mukha niya at isa ‘yun sa nagpapaganda sa kanya.

Jason udlot kay Jennylyn

Si Gabby Concepcion ang leading man ni Jennylyn Mercado sa rom-com series ng aktres sa GMA 7. Nag-storycon na ang wala pang title na rom-com series ng dalawa at hindi pa rin inilabas ng network kung sino ang director at kung sino ang ibang kasama sa cast.

Hindi rin sinabi kung kailan ang pilot airing ng show na first time pagtatambalan nina Gabby at Jennylyn, ang sinabi lang ay malapit na ang taping. Kung tama ang dinig namin, sa January 2019 daw ang airing ng rom-com series.

Si Jason Abalos ang alam naming makakatambal ni Jennylyn sa bago niyang TV show na may mga eksena pa ngang kukunan sa Japan. In fact, nakapag-storycon na ang project na hindi lang ibinalita.

Sa tanong kung ano ang mangyayari kay Jason? Ang sabi sa amin, bibigyan siya ng ibang show at iba ang magiging kapareha. Manghihinayang nito si Jason dahil kaya iniksian ang labas niya sa Asawa Ko, Karibal Ko dahil akala magsisimula na silang mag-taping ni Jennylyn sa rom-com series nila.

Kung alam lang siguro ng production staff ng Asawa Ko, Karibal Ko na hindi matutuloy si Jason sa show nila ni Jennylyn, mas hinabaan ang labas nito sa nasabing serye. Maganda pa naman ang feedback ng viewers sa role niyang si Nathan na naging transgender na si Catriona.

Dennis laging bubugbugin ni Dingdong

May short teaser na ang Cain at Abel, ang action/drama series na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo, ibig sabihin, malapit-lapit na ang airing nito. Sa napanood naming teaser, si Dennis ang laging nabubugbog at si Dingdong, ilang eksena pa lang ang ipinakita na nakipagsuntukan.

Magkapatid ang role nina Dingdong at Dennis pero, sa nasilip naming copy nila ng script, tila magkaiba ang kanilang apelyido. Ibig sabihin ba nito na sa simula ng story, hindi nila alam na magkapatid sila?

Kaya lang, hindi pa man umeere ang teleserye, nagre-request na ng pelikula na pagsasamahan ng dalawa ang Kapuso viewers. Mapagbigyan kaya sila ng dalawang aktor?

Ang malinaw, magkalaban ang pelikula nina Dingdong at Dennis sa MMFF. Si Dingdong ay isa sa leading man ni Vice Ganda sa Fantastica at si Dennis ay bida sa One Great Love ng Regal Entertainment.

JENNYLYN MERCADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with